6 Replies

VIP Member

mommy, ibig sabihin po may milk na yan. kailangan na po ipadede kay baby. allowed na po ba kayo mag breastfeed? preemie din ang baby ko, 32 weeks. ang ginawa ko nun kasi naka-NGT (tubo sa ilong) siya, nag pump ako. madami akong nakukuhang milk. basta tiyaga lang talaga na pump every 2-3 hours. naging sagana milk ko. lumakas si baby. may pump po ba kayo? or alam niyo po ba mag hand express ng milk?

pray po talaga mommy. kahit wala pong lumalabas, pump for 15 minutes every 2 hours. drink lots of water and masasabaw na pagkain. kailangan po kasi ipaalam mo sa katawan mo na lumabas na si baby at kailangan na niya ng milk. the more you pump, the more dadami po. sa una talagang patak patak lang po yan kasi ang baby natin 5-10mL lang iniinom ng newborn. kaya wag ka mag-alala kung hindi ka umaabot sa 1oz. nag-try na po ba kayong mag-latch? alam ko nakakatawa but yung iba po pinapa-suck po sa husband para mag-start po mag-produce. yung sucking motion kasi ng bibig yung important din para mag produce po milk e.

TapFluencer

Momsh, kala mo lang yun wala. Araw arawin mo ang mag padede. At wag ma stress lalabas po yan. Ganyan di. Kasi ako e sinasabi nila wala nalabas prang walang nadedede.. may nadedede yun sa totoo lang dhil, maliit lang naman ang stomach ni baby, d pa kaioangan ng sobrang dami. Kaya unli padede lang lalo na pag naiyak.

Kaso di ko pa po sya pwede ibreastfeed. Kaya kelangan pump ung gatas.

VIP Member

Warm compress mo mumsh,tas hand massage and hand express mo po.. Mula sa taas ng dede circular motion tas hilot pababa tas press po nipple parang nagpapagatas ng cow. Watch ka po sa you tube para may demo sainyo.. Need mo ilabas milk mo po para hindi mamaga ang dede

VIP Member

Depende po un e. Pero kahit dika pa nanganganak, pwede na magtake ng lactation treats or supplements. Massage mo rin ung breast mo.

VIP Member

Mommy unli latch lang si baby may lumalabas jan. Sa una po kasi malapot at kunti pero meron nakukuha si baby jan..

TapFluencer

Warm compress mo din pala dede mo, para mawala pain at lumabas ang milk kasi baka naipon. Padede or pump mo po.

Trending na Tanong