131 Replies

Sa akin hindi sya nagmanas kasi yung ginawa ko every night bago ako matulog pinapahiran ko ng efficascent oil na may halong lana, luya tsaka ahos sa buong katwan ko din . Pagkatapos magsuot ako ng medyas kada gabi para hindi sya malamigan. Hanggang ngayon hindi nagmanas paa ko 7 months na tiyan ko. Effective nman sya.

VIP Member

Wag kang kumain ng dried fish, yung maalat na pagkain. Iwasan uminom ng softdrinks. Uric acid po kasi yan. Ganyan ako nong nag buntis ako. 6months yung tummy ko ganyan na po paa ko. May nagsabi sakin iwasan yung maalat. At yun sinunod ko nawala po sya hanggang ka buwanan ko. Hndi na lumaki yung paa ko.

Sa 1st baby ko kasi nag manas din ako ng sobra as in kaya ang ginagawa namen ng mother ko papahiran ko sya ng lana/langis then magmemedyas ako para di pasukin ng lamig paa ko (one of the reason daw kasi yan kung bakit nagmamanas ang paa ) then nag lalakad lakad ako

Lakad ka sis pero yung sakto lang kasi pag nasobrahan naman sa lakad mamamanas padin, mabigat na kasi kaya ganyan. Pag naman upo, nakataas paa dapat.. Inom ka marami water tapos pag matutulog kana itaas mu sa unan yung paa mu po. Effective po un :)

VIP Member

Elevate mo lang lagi paa mo mommy pag natutulog ka. Maglagay ka ng 2 unan tas lagay mo paa mo dun. Lagi din ako nakamedyas pag gabi. Inom din madaming water tas lakad lakad. 38weeks 3days na ako wala pa ako manas.

Hindi po normal ang magkamanas. More walking and drink water everyday sis. Avoid salty foods specially malansa. Sweets and malamig iwas din. Ok lang matulog sa hapon basta naka elevate lang yung paa mo.

Kain ka po ng munggo nakaka alis ng manas po.. Tsaka wag daw hayaan na matulog na walang kumot sa paa.. Mas ok kung naka mejas ka na lang po.. Ako po walang manas duedate ko na po ngayon

Same tayo naexperience, damihan mo lang fluid intake mo, masmaganda kung buko tapos itaas mo yun feet pagtutulog ka tapos left side ka matulog. Iwas din sa sobrang upo at lakad o tayo.

Lakad lakad ka sis tas agahan mo gising mo mga 5am tas wag ka matutulog sa maghapon..sa gabi ka na lang matulog..tsaka wag ka kakain na maxado ng madami..diet diet ka na .

Eat less salty food. Elevate your legs especially when sleeping. I do that everyday. Manas din ako, no hypertension naman but my feet are not super swollen. I'm due any day now.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles