Signs...

Ask ko lang po kung ano ang signs na nagc-cheat ang partner/bf/hubby, in short, mga lalaki? Di ko po kasi alam kung tamang hinala ba talaga ako o ano, isang linggo akong nananaginip na may third party, bigla nya nalang rin pinalitan ang endearment namin at then kanina tinanong ko sya thru text kung KUMAIN na ba sya, ang sagot nya NANUNUOD NG TV. Halos tumigil mundo ko sa reply nya, sinabihan kong "May iba ka yatang katext :)", nireplyan nya ako ng "Hehe.. Sa isip ko kasi ano ginagawa mo *endearment*.. Nkatutok ksi ako sa tv... Hehe.. Sorry.. Promise mamatay man ako wla akong ibang katext.." Hindi ko po alam kung masyado lang akong nago-overthink since buntis ako, ang sakit sobra. I need answers and advice po please kung anong magandang gawin ko at paano ko malalaman. Please answer po, thank you po.

72 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray before going to sleep. Nanaginip din ako one time na may third party si hubby. In detail, kasama pa dw namin sa bahay. Pero it's just an evil dream. Kasi nakwento ko sa kanya, sabi niya "Hindi totoo yan, nakakatakot kaya yung ganun"... ayun relieved ang doubts ko. I trust my hubby kasi open siya sa lahat wala naman siyang tinatago. Pahiram niya cp niya, he shares what he discovers and we pray together all the time.

Magbasa pa