Pang ilang months pwedeng makipagtalik ang buntis?

Ask ko lang po pang ilang months pwedeng makipagtalik ang buntis and hanggang kailan siya safe? Safe ba na iputok sa loob o may possibility na magkaroon ng side effect kay baby? Di naman po ako maselan magbuntis.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ligtas na Pakikipagtalik Habang Buntis: Kailan Hihinto Bagaman, pangkalahatang ligtas ang sex habang buntis, may mga tiyak na sitwasyon kung saan ang pakikipagtalik ay hindi nirerekomenda. Gaya ng nabanggit kanina, may mga sitwasyon na magbibigay payo ang doktor na hindi makipagtalik habang buntis. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga kondisyon na ito: Mayroong history ng pagkalalag ng sanggol o na-diagnose ng doktor na may banta ng pagkalaglag ng bata. Natukoy ng doktor na may banta sa preterm labor o labor contractions bago ang 37th na linggo ng pagbubuntis. Ikaw ay nakararanas ng pagdurugo sa ari o cramps na hindi pa nalalaman ang dahilan. Ang iyong doktor ay posibleng payuhan ka na hindi makipagtalik sa ganitong kondisyon. Ang amniotic sac ay pumutok at may butas. Ang placenta ay sobrang baba sa loob ng iyong uterus. Inaasahan mo ay kambal o mas marami pang sanggol. Kung iyong napapansin, ang mga kondisyon sa ilalim ng ligtas na pakikipagtalik habang buntis ay hindi posible, at medyo madalang.

Magbasa pa

Ilang months pwedeng makipagtalik ang buntis Ang pakikipagtalik (at iba pang anyo ng pakikipagtalik) ay maikokonsiderang ligtas para sa mga normal na pagbubuntis. Ang normal na pagbubuntis ay yaong mababa ang posibilidad ng mga komplikasyon tulad ng preterm labor at pagkalaglag ng bata. Sa unang trimester, maaaring hindi ka makipagtalik dahil sa nararamdamang pagduduwal o kapaguran. Sa pangalawang trimester, maaaring tumaas ang iyong kagustuhang makipagtalik at lebel ng enerhiya kapag humupa na ang iyong pagduduwal. Kapag pangatlong trimester na, maaaring bumaba na naman ang iyong kagustuhang makipagtalik. Puwede ring maapektuhan ang kagustuhan mong makipagtalik ng kung gaano kaganda ang tingin ng babae sa kanyang sarili. Posible pa rin ang pakikipagtalik habang buntis. Ang mahalaga dito ay makipag-usap palagi sa iyong asawa tungkol sa mga pagbabagong iyong nararamdaman.

Magbasa pa

Safe po kahit hanggang 9 months pa hehe minsan nga ineencourage pa ng doctoe n mag sex kahir due mo na pra ma trigger ang ope ing ng cervix.. Dnt worry safe po c baby sa loob kasi may sarili cia safe space sa loob 😊

Habang nagbubuntis, natural na tumataas ang pag-alala sa kalusugan at kaligtasan. Isa sa mga tanong ay kung ligtas ba ang sex habang buntis. Ano ang ibig sabihin ng ligtas na pakikipagtalik habang buntis?

Pagtatalik habang buntis: 7 na bagay na dapat mong malaman Mga sex position na safe para sa buntis · Ilang buwan puwede makipagsex sa buntis ... https://ph.theasianparent.com/sex-habang-buntis

VIP Member

Hanggang kabuwanan pwede basta di maselan at walang history ng kunan.

Any time is safe naman unless lang may complication sa pagbubuntis