Pang ilang months pwedeng makipagtalik ang buntis?

Ask ko lang po pang ilang months pwedeng makipagtalik ang buntis and hanggang kailan siya safe? Safe ba na iputok sa loob o may possibility na magkaroon ng side effect kay baby? Di naman po ako maselan magbuntis.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ilang months pwedeng makipagtalik ang buntis Ang pakikipagtalik (at iba pang anyo ng pakikipagtalik) ay maikokonsiderang ligtas para sa mga normal na pagbubuntis. Ang normal na pagbubuntis ay yaong mababa ang posibilidad ng mga komplikasyon tulad ng preterm labor at pagkalaglag ng bata. Sa unang trimester, maaaring hindi ka makipagtalik dahil sa nararamdamang pagduduwal o kapaguran. Sa pangalawang trimester, maaaring tumaas ang iyong kagustuhang makipagtalik at lebel ng enerhiya kapag humupa na ang iyong pagduduwal. Kapag pangatlong trimester na, maaaring bumaba na naman ang iyong kagustuhang makipagtalik. Puwede ring maapektuhan ang kagustuhan mong makipagtalik ng kung gaano kaganda ang tingin ng babae sa kanyang sarili. Posible pa rin ang pakikipagtalik habang buntis. Ang mahalaga dito ay makipag-usap palagi sa iyong asawa tungkol sa mga pagbabagong iyong nararamdaman.

Magbasa pa