Movements Ni Baby

Ask ko lang po bakit kaya ganon, hindi ganon ka active si baby sa tiyan ko😭 6 months na ang tiyan ko pero hindi ko ganon maramdaman ang movements nya and minsan ko lang sya maramdaman. 6 months na ang tiyan ko eh. May nabasa ako dito na mga mommies na sa sobrang likot daw ng baby nila ay sumasakit ang tiyan nila pag gumagalaw si baby. Samantalang sakin hindi naman ganon yung nararamdaman ko :( nag aalala lang ako. Edit: Eto po pala yung result ng ultrasound ko nung nag pa ultrasound ako nung 19 weeks lang ang tiyan ko. Pero ngayon po ay 23 weeks na po ang tiyan ko kaya nag aalala ako sa movements nya lasi hindi sya ganon magalaw. Sabi naman po ng OB normal lang ang result, pero nag aalala pa din ako sa movements nya

Movements Ni Baby
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

@Mommy Eyahhh -- Maliit pa masyado si baby @ 19 weeks mommy kaya 'di mo pa feel masyado. Pero alam mo once na lumaki-laki pa siya, dahil posterior placenta ka, mapi-feel mo ng bonggang bongga ang movements niya 😁 Kalma lang mommy, sabi nila may mga batang hindi talaga malikot kahit na normal naman sila (tingin ko this is true for my baby). Please don't overthink, makakasama 'yan sa'yo at kay baby. Pray lang at tiwala sa itaas. Saka suggestion ko talaga bili ka home fetal doppler para anytime, anywhere ma-check mo heartbeat niya.

Magbasa pa
5y ago

Okay po thank you po mommy, ayan po yung ultrasound ko pa nung 19 weeks pa lang po ako, pero ngayon po kasi 23 weeks na ako at hindi ko sya ganon maramdaman kaya po nag aaalala po ako. Hehe salamat po