Tiktik in the city
Hi! Ask ko lang. Naniniwala ba kayo sa tiktik?
Sakin mi, noon di pa ko buntis, di ako naniniwala, although alam ko na ung mga kwento sa kanila. not until nagbuntis po ako. 2 months preggy, nasa province pa ko, sa lugar ng asawa ko. around 2am or 3 po ata, nakarinig ako ng parang tunog ng daliri na tinatap sa bubong namin. since probinsya, di ganun kauso ung kisame. or uso naman, pero di lahat ng bahay may kisame. yung samin walang kisame so mabilis lang makarinig ng ganun. pagkarinig ko nun, uncomfortable ako, di ko alam bakit. so ginawa ko, niyakap ko yung kamay ng asawa ko sa tiyan ko kasi nakaramdam talaga ko ng takot. kinaumagahan, kinwento ko sa asawa ko, sabi nya narinig din daw nya, di lang sya umimik dahil baka nga mas matakot daw ako. tinanong ko ano yun, bat may ganun, ayaw nya sabihin sakin, sabi nya pusa lang daw. tapos kinahapunan, naririnig ko ung mga kaibigan ng ate ng asawa ko na may tiktik daw na gumala nung gabi, e hindi nila alam na buntis ako, nagtatanungan pa sila sino daw ba buntis dun sa lugar. nah confront ako sa asawa ko, tiktik ba yun. oo daw. kaya pala nung dapit hapon, di na ko maiwan iwan ng asawa ko, kahit sa cr lang ako, sabi nya baka daw may mahulog n butiki kasi. di n yun naulit kasi pinauwi ako ng asawa ko sa bahay namin sa maynila gawa ng pabalik balik ung tiktik sa lugar namin. hanggang sa mag 5 months na tiyan ko, ikakasal na yung kuya ng asawa ko, bumyahe ako ulit papuntang probinsya. ilang araw lang matapos ang kasal, bumalik na naman sa pagbisita yung tiktik. so ngayon, di na daw muna ko uuwi sa Probinsya hanggang mag 5 or 6 months ko ng maipanganak si baby. pangalawang baby na kasi namin to, nakunan ako nung una kaya ingat na ingat na ung asawa ko samin.
Magbasa paNaniniwala ako. Naexperience ko yan sa first pregnancy ko. inaswang ako pumasok sa panaginip ko. Creepy to the bones. Scenario: Nagising ako around 2-3am kasi mejo makirot ang tyan ko. Syempre si hubby palagi yang nakayakap sa tyan ko. Paggising ko nakita ko na dalawang kamay ang nakayakap saken, ung isa maputla. tapos sa paanan namin, may babae mahabang buhok ang na nakadapa at nakahalukipkip mga kamay at paa. Unang pumasok sa isip ko, bat kaya sa kwarto namin sumiksik ng tulog yung kapatid na babae ni hubby eh may sariling kwarto naman siya. Tapos sumasakit talaga tyan ko. Then nagising ako, totoong gising na. Nananaginip pala ako at matagal tagal din daw nila akong ginigising kasi nga umuungol ako at nahsasalita raw na hindi nila maintidihan. Lumabas kami agad sa sala at dun ko kinwento sa kanila. Ending, lumipat kami sa ibang kwarto at never na dun sa isang kwarto natulog ulit. 19 years na lumipas pero kapag may napapanood ako na halos katulad ng nangyari sa panaginip ko, nangingilabot pa rin ako. Sabi ng inlaw ko noon, kung hindi daw ako nagising, malamang patay na kami pareho ni baby. May mga bagay na porke hindi nangyari sau, ay hindi totoo. Pero para sa mga nakaexperience, sobrang nakakatakot talaga.
Magbasa paSTORY TIMEπ π part 1 of 2 Dati di ako naniniwala sa tita ko.Until dumating yung time na ako naman na nagyon ang buntis. 1st trimester ko noon naka bukod kmi ni LIP sa mother niya pero 2 kanto lang ang layo namin. Dulo na kmi ng subdivision kaya bukid na ang harap ng bahay namin since wala pang masyadong nakatira sa gantong dulo dulo. Pag patak ng 3am biglang may parang bigat ng taong gumagapang sa bubong namin. Mismong tapat ng kama kung saan kami natutulog. Sobrang babaw ko lang matulog konting ingay lang sa labas ng bahay nagigising nako agad kaya ramdam ko yung nasa itaas namin. Dali kong ginising LIP ko pero dahil lagi ako nang gigising sakanya sa mga nadidinig ko di ako pinansin. Until bumilis yung gapang sa itaas parang may hinahanap talaga.
Magbasa paayoko sana maniwala. pero since nasa pobinsya kami na may bundok sa tabi, at dahil na Rin sa experiences ko Nung 1st trimester ko Hanggang 2nd. naniwala Nako. palagi Kasi may matanda nasilip sa Bahay namin, tapos nagtawag, never namin pinapasok or nilabas, Kasi iba Ibang matanda tapos tetyempuhan Niya palagi pag may delivery Ako sa labas kasunod na Siya. then pag Gabi nun, palagi may nakaluskos sa bubong namin. dati Naman na Hindi ako buntis, walang ganun. pero simula kinwento ko Kay hubby Yun at sa friends ko , inadvise nila Ako magsuot Ng black paglabas Saka matulog. effective Naman. di daw Kasi nila nakikita Yung baby at naaamoy pag black Yung damit. Ewan ko ano logic pero sinunod ko and effective Naman, Hanggang Ngayon ganyan practice ko
Magbasa paHi, totoo raw po sabi ng mother ko. First baby ko ito at kinakabahan ako kasi lagi na ako may naririnig na may something sa bintana na gustong pumasok around 1am-5am. Nagising ako ngayong 3am at kahit naiihi na ako natatakot akong lumabas dahil sa ingay sa bintana, mamaya magtatabi na ako ng arenola at magsasaboy ng asin. Nasakit din tyan ko kada maririnig ko iyon kaya nag oopen ako agad ng bawang para mataboy ko yung ingay. Naalala ko din one time nung umihi ako sa labas nagulat ako sa pusang itim na nakatitig lang sa akin. Mga 11 weeks palang ako non. Wala naman masama kung iiwas sa kapahamakan kaya I think, sundin ko nalang mga pangontra kapag may liwanag na. π
Magbasa payes naniniwala din ako Dyan Lalo ngaun sa second baby ko 9weeks Akong buntis sa kbilang bahay namin mababa Lang kc bubong na kwarto namin duon tuwing hating Gabi Hindi ako makatulog nun sobrang banas na banas ako Hindi ako mapakali , tumayo ako may nagkukotkot sa bubong namin kumuha ako asin nilagay ko dun sa may taas at rinig na rinig Kong palayo na sya . tuwing hating Gabi din ako dinudugo nun mag 1 week din cguro ' pero nawawala din . ntakot ako baka mwala baby ko Buti nalng Hindi at ngayon 11 weeks /1day na sya sa tummy ko ,π Kya ngaun sa bagong nilipatan namin Lagi ng may bawang sa bintana at asin sa kwarto namin .
Magbasa pafor me,no. prayers at trust ke God anf panlaban sa lahat.. although taga liblib kami and 2 ektarya na nyugan bago anv bahay namin,lahat ng huni narinig qna.kalabog sa bubong ganun din kasi may 9 kaminh pusa. feeling q qng may aswang man e sa pusa namin at aso tatakbo na papalayo heheh.. anyways, sabi samin maglagay ng bawang sa bintana kaso dq sinunod kasi baka ipisin o dumami mga insekto lalo na ipis. mas takog aq sa ipis kesa sa ano pa man. then mag pahid daw ng kalamansi sa chan pag lalabas ng bahay which is ayoko rin kasi very uncomfortable and baka mag cause pa ng skin iritation. un
Magbasa pananiniwala ako sa tinatawag nilang tiktik, yung ate ko non buntis, tapos madaling araw non may nririnig kming maingay sa bubong parang my naglalakad, napakaimposibleng pusa yon e kasi ang lakas ng yabag ng lakad sa bubong, maya maya may narinig na kaming pumutok lumabas kmi pati mga kapitbahay, my kpitbahay kming my pinaputukan ng baril, ang sabi nya samin may nakita sya sa bubong namin ewan nya kung ano yon pero malaki sya, tapos nung pinaputukan nya nawala bgla.
Magbasa paHindi pa naman ako naka experience ng tiktik, pang 3rd baby ko na to now. Pero kwento ng parents before meron silang experiene about tiktik, nakaluskos sa pader ng bahay namin na kahoy, pero kwento ni nanay sisigawan lang daw nya tapos tatakutin na tatagain kapag hindi umalis..effective naman daw dahil nawawala na agad yung kaluskos. Wag lang tayo pangunahan ng takot though talaga naman katakot takot ang ganun hehe
Magbasa pabase on my experience yes, bago lang nong june nagbakasyon kami ni hubby and dumalaw kami sa tita niya nagulat kami kasi ung kasunod namin biglang huminto din sa tindahan mismo ni tita kakaupo palang ni hubby non biglang ask niya oh kamusta?pero hindi un kilala ni hubby.. and bali balita na tiktik nga daw un dun..kaya bigla ako binigyan ng tita niya ng bawang at luya..
Magbasa pa