Tiktik in the city

Hi! Ask ko lang. Naniniwala ba kayo sa tiktik?

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naniniwala ako. Naexperience ko yan sa first pregnancy ko. inaswang ako pumasok sa panaginip ko. Creepy to the bones. Scenario: Nagising ako around 2-3am kasi mejo makirot ang tyan ko. Syempre si hubby palagi yang nakayakap sa tyan ko. Paggising ko nakita ko na dalawang kamay ang nakayakap saken, ung isa maputla. tapos sa paanan namin, may babae mahabang buhok ang na nakadapa at nakahalukipkip mga kamay at paa. Unang pumasok sa isip ko, bat kaya sa kwarto namin sumiksik ng tulog yung kapatid na babae ni hubby eh may sariling kwarto naman siya. Tapos sumasakit talaga tyan ko. Then nagising ako, totoong gising na. Nananaginip pala ako at matagal tagal din daw nila akong ginigising kasi nga umuungol ako at nahsasalita raw na hindi nila maintidihan. Lumabas kami agad sa sala at dun ko kinwento sa kanila. Ending, lumipat kami sa ibang kwarto at never na dun sa isang kwarto natulog ulit. 19 years na lumipas pero kapag may napapanood ako na halos katulad ng nangyari sa panaginip ko, nangingilabot pa rin ako. Sabi ng inlaw ko noon, kung hindi daw ako nagising, malamang patay na kami pareho ni baby. May mga bagay na porke hindi nangyari sau, ay hindi totoo. Pero para sa mga nakaexperience, sobrang nakakatakot talaga.

Magbasa pa