Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede naman madisappoint at first. Pakiramdam nyo yan, walang makakapigil nyan. Pero in the first place dapat kinondisyon nyo na parehong mag asawa na kahit anong result ng ultrasound eh tatanggapin nyo. Kung di matupad wish yong gender, just be thankful na normal and healthy si baby. On the other hand, kung matupad ang gender that you wish for, edi double the happiness. Masyado yata kayong naging kampante na baby boy yung result kaya sobrang disappointed si hubby mo. Wag ganun. Baka madala nyo yan hanggang sa paglaki ng bata, wala naman syang kasalanan kung bakit ganun gender nya. Kayong mag asawa gumawa sa kanya eh.

Magbasa pa