Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kahit boy or girl man yang baby ninyo di kayo dapat madisappoint dahil blessing yan at mas mahalaga pa ang health ng baby kaysa sa gender nila. Maaring may mga expectations tayo as parents pero wag naman to the point na parang ayaw na ayaw ng husband mo sa baby ninyo at gusto pa ipapalit sa anak ng iba. Matuto tayong mahalin kung ano ung binigay satin. Di naman kailangan kung ano ung gender ng baby ng iba ganun din yung satin.

Magbasa pa

Explain it to him na he is the one who has male and female sperm. Kung ano binigay niya sayo, yun lang ang kaya mo ibigay in return. Better tell him to take care of himself para mas maging healthy male sperm nya at d agad mamatay. Coz the male sperm is the fastest one yet doesn't last long inside the woman's body. Unlike sa female sperm na umaabot hanggang 3 days sa loob kaya mostly un ang nabbuo.Kung may bisyo sa, tell him to stop.

Magbasa pa

Grave naman asawa mag kakaanak na nga kayo ke babae o lalaki sana maging masaya dapat. Ano ba pinag kaiba sa anak na lalaki sa babae. Maswerte nga kayu dahil di lahat ng mag asawa pinibiyayaan ng anak. Saka wag ka malungkot ano ba ikinalulungkot mo? Mabuti nga mag kakaanak ka. Baka Mamaya subukan pa kayu ng Diyos dahil sa pag aarte Arte ng asawa mo gusto nya anak nya lalaki tapos apektado ka naman nalulungkot ka. Good luck sis

Magbasa pa

Baby gender disappointment is normal at first. Pero pag di makamoveon kahit ilang weeks na nagdaan nung reveal, e iba na yan. Learn to accept kung ano po binigay ni Lord. Tsaka kausapin mo din hubby mo para mapanatag din sya na everything will be ok kahit ano man gender. Pray nalang na healthy si baby all through out dba. BABY GIRL OR BABY BOY BLESSING PO YAN. YUNG IBA HIRAP NA HIRAP MAGKAANAK.

Magbasa pa
VIP Member

iparealized nyo po kay mr. na ito ay gods gift kahit girl man sya! samin walang issue if boy or girl. yung panganay namin girl ngaun kung anu man next gender ng baby namin ok lamg,sa hubby ko. kase sya,mismo nag,sabi,kung anung ibigay ni,god tanggap namin kase anak,namin un pareho. sana ganun din po kayo ng hubby mo in 26weeks preggy mag papa ultrasound plang kaya wala pa kmi idea if boy or girl ulit.

Magbasa pa

Buti nlngmkhit girl mga anak ko never nadisppoint c hubby. Instead sya pa ng alaga sa pngalawa baby nmin which is girl too.😍 And now baby no.3 baby girl again hehehe sabi nya bsta normal at healthy gender doesnt matter. Gift from above sbi nya at yun ang nangaling sknya hehe kakatuwa lng..nkakalungkot sa mga hubby na ndidisppoint dhil lng sa gender, hnd ba mas nkakadisppoint kungnd sya mgkaanak? Just saying.

Magbasa pa

kami at first nung di pa nalalaman ang gender gusto namin boy, meron na nga kaming nick name. tapos nung nalaman namin na girl di naman ganyan na sobrang na disappoint. natuwa pa din naman si hubby dahil meron na syang queen (me) and princess (our baby) medyo nakakainit ng ulo lang yung asawa mo, sobrang OA madisappoint. anak nyo pa din naman yan in the first place, kahit ano pang gender nyan. just sayin' kausapin mo husband mo.

Magbasa pa

First baby namin girl kaya gusto nya sana sa pangalawa namin boy naman . Nung natapos na akong inultrasound sinabi ko na girl pinandilatan ako tsaka parang minura mura ako wala naman akong kasalanan doon. Kala ko kaya sya nagalit dahil sobrang tagal ng pila dahil pala sa gender kinaumagahan yinakap nya ako nagsorry nadissapoint lang daw haha umiyak oa nga eh gustong gusto ng boy. Kaya di daw sya titigil hanggay walang boy haha

Magbasa pa

Try mong kausapin si hubby about sa nararamdaman mo. Para aware sya sa feelings mo and maiwasan na makagawa or may masabi sya ng ikakastress mo. Baka pag lumabas si baby magbago naman yung pananaw ni hubby or malay mo pag sinabi mo feelings mo marealize niya na hindi nmn important if boy or girl ang sex ni baby, mas mahaga healthy si baby and safe kayong dalawa during and after pregnancy. 😊

Magbasa pa

ganyan din nafeel ko when we found out the gender kasi super excited si hubby to have a boy. naiyak ako kasi feeling ko madidisappoint sya. Pero kung totoong lalaki ang hubby mo, magiging masaya sya kahit anong gender basta safe si baby. Ngayong one month na baby girl namin, sabi ni hubby sakin na buti nalang daw girl si baby kasi naeexcite naman sya now kung gaano magiging kalambing sa amin.

Magbasa pa