773 Replies

luh? may ganun si hubby mo???? di na lang mag pasalamat kung anong bnigay ni God.. baby is a gift, baby is a blessing.. kaht anong kasarian pa yan,... ginwa nyo yan ng may pagmamahal so dapat tanggapin nya ng buong buo kht anong kasarian pa ng baby nyo.. ako din nag eexpect ng baby boy, pero ang binalik nya sa amin baby girl prn😅 but I'm still thankful and blessed dhil nabiyayaan prn kmi ng anak after kming mamatayan ng 2nd baby last year.. sab nga ng husband ko, regardless kung anong gender ang mhalaga.. buhay at malusog😍😍😍

last month sinabi ng ob ko n baby girl gender n baby... tinanong nya ako agad anu gusto nyo n hubby m n maging baby sagot ko boy or girl ok po samin importante po healthy lang c baby... kaya sabi ng ob 100 percent agree sya... nong cnabi ko ky hubby n girl ok naman sya kc importante din s kanya healthy maging anak namin at my susundo n s kanya pag uwi nya galing ng barko... kaya mas ok sis kausapin m c mr. di naman cguro importante anung gender basta safe kayong pareho n baby at healthy😊😊

same Tayo, ganyan din reaction Ng partner ko, nung nagpaultrsound Kami Naiba Yung mukha nya nung nakita nyang girl, gusto Rin nya Ng boy, ako nmn parang nalungkot ako Kasi Yun talaga gusto nya, nakita nya ako umiiyak SA harapan nya, tinanong nya ako bakit ako umiiyak, Sabi ko para ayaw mo Kasi Ng girl e, Sabi nmn nya sakin ok Lang daw wala nmn daw Kami magagawa Kung yan ang binigay daw ni lord, nalulungkot din ako Kasi may girl na ako tapos girl ulit, Kung pwede Lang Sana magkamali Yung ultrasound ee, lalaki Sana paglumabas...

VIP Member

Sorry to hear that pero dapat he should be happy kung girl or boy si baby, my husband and me gusto ng baby boy din pero binigay samin ni lord is baby girl first baby din namin pero nakita ko naman sa muka ng asawa ko habang tinitignan nya ultrasound nakangiti wala ako nakita na dissapointment kasi if ever na ganyan sya like your husband baka nakutongan ko sya sa tapat ng ob ko.. Sabhin mo sa mister mo di ka panaman nagpapatali so may chance pa na magka baby boy kayo wag nya kamo pangunahan si lord be thankful nalang palagi.

sa akin nman nong second pregnacy ko expect ko tlga baby girl kc boy panganay nmin so gusto ko tlga girl ang sumunud nong nanganak na ako sabi ng medwife baby boy dw so na disapoint ako kc ang akala ko madisapoint ko c hubby nong lumabas na ako ng room d ako makatingin ky hubby sabi ko boy cxa tas biglang tumalon c hubby sabay sabi ok lng un tanggapin ntin anong binigay ni god sa atin dun napawi lungkot ko sa sinabi ni hubby now png 3rd preggy kona to ang sabi ni hubby ok lng khit anong gender importante healthy ang baby nya

Ha ? Grabe naman ung Asawa mo ! Sorry to say this ha ? And I don’t mean to offend you pero ang SELFISH NG ASAWA mo ! Diba nya iniisip ung mararamdaman mo and ung Bata ? The heck !! grrrr 🙄 Anyway ! Be happy nalang for your baby since ung hubby mo di nmn happy ikaw nalang sguro maging happy, Wala eh ? may mga ganun talaga. Pero sana dika nya pini-pressure sa gngwa nya. tsk But I hope One day matanggap din nya baby nyo since sa knya din naman yan galing. Wag kna mag isip ng mag isip. Di maganda ung nasstress.

Okay lang yan momsh, pag lumabas na si baby baka magbago ang isip ng Asawa mo. Pero sa totoo lang masakit po yung pinakitang reaction ng hubby mo. Blessing pa rin po yan girl man O boy. Di lahat ng gusto naten ibigay ni Lord. Cguro may dahilan si Lord bakit girl ang 1st baby niyo. Sana maging open minded ang Asawa mo. Pag pray mo nalang siya na sana matanggap niya si baby. Wala naman kasalanan si baby eh. Haysss, nakakalungkot ang ganyan. Yung iba nga di nabiyayaan ng anak. Dapat maging grateful nalang sana.

Hi sis normal po na may naeexperience tau na gender disappointment kasi we expected and prayed yung gusto natin. Kami din 6mos naset ang mind na boy kasi puro boys din sila hubby and even me boy din pinagpray ko pero last week nagpaUTZ kami,girl pala si baby. At first,denial pa yan mga husbands natin but soon they will learn to adjust and accept kasi alam din naman nilang blessing na magkaanak. What we do sinasanay na namin na tawagin si baby then iniinvolve ko si hubby. Mga reactions na gnyan sis will pass. Cheer up!

Ako po babyboy talaga gusto ko pero nung nagpa ultrasound ako babygirl sya medyo nadisappoint ako kasi nagexpect ako masyado na lalaki dahil nangitim talaga ang mga kasingit singitan ko leeg pati kilikili kaya naisip ko baka lalaki si baby. Pero buti nalang hindi namimili si hubby ng gender nung nalaman namin babygirl kinausap ko nalang sya na okay naman siguro kahit babygirl basta healthy normal at mailabas ko ng normal, sa susunod nalang na baby ang Junior nya 😊 at naintindihan naman nya thank god.

Same situation sa panganay ko noon. LIP was expecting na boy until mag pa ultrasound and girl lumabas. para sakin mas maganda kung kausapin mo si hubby mo and explain na hindi naman kasalanan ng mommy kung iba ang gender. Lalaki ang nagbibigay ng gender ng baby mommy. Sa dipende sa sperm yan. Kaya wag na po kayo malungkot and try to make him understand na dugo't laman nya din yan. Try again next time ika nga. Ngayon I'm 38weeks pregnant sa baby boy. Pray lang mommy!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles