Ninang/Ninong
ask ko lang mga m0mmies, panu po kau mgdecide n hubby para sa pipiliin nyo na ninang/nin0ng? is it lista mo at lista nya wlang pakialamanan? or kelangan nyo pa mgusap na dalawa kung both gusto nyo kunin na ninang/ninong?
Ang pamantayan ko po sa pagkuha ng ninong at ninang yung maayos at di pariwara ang buhay. Yung responsable ba. Maski di mayaman. Di ko hangad ang regalo at pakimkim. Ang sakin lang yung magiging mabuting ehemplo siya sa anak ko. Kasi may nagpprisinta noon na maging ninong ng anak ko. Pero ang buhay ay wala sa ayos. Di ko talaga siya kinuhang ninong ng anak ko.
Magbasa paSa pagkuha po ng Ninong/Ninang, dapat po yung alam niyong may maitutulong sa anak niyo. Their role is being the 2nd parent of the child. Hindi po natin sila kinuha para lang maraming regalo or maraming matanggap si inaanak. I suggest that both of you will decide if they are qualified to be the Ninongs/ Ninangs para alam niyo ring dalawa 😉
Magbasa paHehe dami nagsasabi ito kunin mo kasi maganda work, may pera, mayaman. Etc. Pero ako sa totoo lang ang kinukuha kong ninong at ninang mga kamaganak at kaibigan na mlapit aa aming mag asawa. Ung nasaksihan nila mga pinagdaanan namin. Kasi alam ko may totoong concern sila sa anak ko at sa aming mag asawa.
Magbasa paPinag uusapan dapat yan. Shaka dapat hindi kung sino sino yung ninong at ninang. Dapat pinag uusapan yan ng mabuti dahil sila magiging pangalawang magulang ng anak nyo. Baka mga lasenggero at lasenggera magiging ninong/ninang nyan. Wala ring silbe. May masabing Ninong/ninang lang.
May kukunin xa, meron din ako then pinaguusapan namin. Gumagawa kami list. Dko pinapakialaman sa hubby ko may reasons xa and ginagalang ko un. Ganun din sa akin sya. Pero ako pinipili ko madalas kamag anak at malalapit na kaibigan. Si hubby karamihan ofcmates
Pag-uusapan. Matagal pa naman namin papabinyag si baby pag ka 1 year palang niya pero may naisip na kaming 1 ninong, yung pedia niya na common friend din namin mag asawa. Para at least masubaybayan niya paglaki ni baby.
When we decide on choosing the godparents of our child, we chose the ones who are very close to us. And someone we know that could help our little one. Kayong 2 mag usap about it para mas maganda.
,.Aq lng nag decide ahaha wla kc xa eh,pero sinabi q nmn s knya qng cnu2 kinuha qng ninong/ninang ni baby nmin.. Wla nmn xa angal ehehe, my mga pamangkin at pinsan din nmn nia aqng kinuha..😊
Kung ako sayo, ang kunin mong ninang/ninong ni baby, yung kaya sila patnubayan hanggang paglaki. Money doesnt matter kung sa binyag lang papakita at sa 1st bday.
Medyo mapili kami sa ninong at ninang, pinag uusapan pa namin. My nagpresenta na ninong si baby ko, ayaw ng hubby ko kasi di naman namin gaano ka close.