TANTRUMS!!! and PICKY EATER!!!
Ask ko lang kayo mga Momsh... Ano po ang ginagawa nyo pag yung toddler nyo grabe mag Tantrums??? As in may pa sabunot at sipa pa sayo?? Tapos Picky eater din. Kakain lang kung gusto nya yung food. Madalas ayaw mag rice. Mas gusto nya Milk (pediasure) at prutas like Apple He's 2 years old na po. Please po i need help... Thank you po in advance
First and foremost is wag mag give-in sa gusto nya mommy. I have a 2 year old baby boy. Makulit and matigas din ulo pero sakin lang takot. Pag daddy nya or yaya nya hindi nya sinusunod. I guess there has to always be some level of authority sa end ng parents sa anak nila - hindi kelangan paluin more on kausapin and bigyan consequence if di sumunod. In my case, upo sha sa corner and face the wall ng room if ayaw nya sumunod. Alam nya hindi sha pwede umalis don pag di nya sinunod sinabi ko. Then I talk to him ineexplain ko bakit ko sha napagalitan. Nakakatouch pag nagsasabi sha ng “sorry mommy” 😂. Sa food mommy, mejo mahirap if nasanay na sha ng may hindi kinakain na food. Try mo magcook ng pgkain na magmamask ng lasa ng gulay or ung hindi nya halata if ang problem is ayaw ng gulay. Pwede rin effort onti sa presentation ng food tapos if interesting sa kanya na kamayin or sha magsubo magisa ng food hayaan mo kahit magkalat basta kumain sha. Mejo wala akong issue sa food. My toddler kasi eversince sanay kumain gulay and fruits. Kahit ampalaya, okra or spinach kinakain. Hindi ko ineexpose sa sweets or chichirya. Sabi ni pedia if magawa ko na ganun til 5 y/o un na magiging panlasa nya and hilig nya sa pagkain.
Magbasa paIsa lang ibig sabihin nyan. Na spoiled yan. Malamang yan binibigay agad gusto. Pag umiyak bigay agad. Disiplina kelangan. Both parents and the child. Be consistent sa pagsabi ng no. 2 yrs old na yan. More on solid foods na yan dapat.