#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!

Sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!
145 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

4. Bakit po parang sobrang iyakin ng baby ko these past 2 days/nights?😭 ayaw nya po magdede sakin kasi busog pa naman po sya na halos nasusuka na po sya. Di din naman po puno diaper nya lagi po namin chinecheck. Tulad po kagabi, ang tagal nya po umiyak. Mula po yata 11pm to 12mn. Tapos nagising po sya ulit around 1:45am para magbreastfeed, after nya po dumede, sobrang iyak nya na naman po hanggang past 5am na. Tumatahan lang po sya pakonti konti kasi parang inaantok na po sya pero mas pinipili nya po talaga umiyak. 27 days old po sya ngayon. Please help po. Naaawa po ako sa kanya pag umiiyak and the same time nafufrustrate po ako kasi parang wala kaming magawa ng husband at mama ko para mapatahan sya.😭😭😭

Magbasa pa
5y ago

Pwede pong colic. Himasin po ng gentle ang tyan ni baby. Umiwas po sa pag gamit ng mga acete at kung ano pa pong ibang oils. Kahit mainit na kamay nyo lang po pwede po makatulong. Ipaburp din po mabuti si baby para mabawasan ang hangin sa tyan.

Doc, 1st TVS ko, may nakita sila placental mass, my ob told me to have beta hcg test, and the result is normal. Nagfollow up TVS ako kanina umaga and placental mass is still there. To consider partial h-mole pregnancy po result. I read articles about molar pregnancy, and it is rare na makakasurvive yung baby. I'm 12weeks pregnancy, and the placental mass was seen on the my 1st TVS which was I'm in 8weeks pregnancy that time. Doc, here in philippines may nakasurvive na po ba fetus from molar pregnancy? And may patient na po ba kau na same kami situation? What can you advice doc. This is my 1st baby. And gusto ko magsurvive sya.

Magbasa pa
5y ago

Ilapit nyo yung concern nyo sa OB. PEDIATRICIAN siya, doctor ng mga BATA.

Hi doc! Good evening.. 1. Yung rotavirus po ba kelangan mainject kay baby? 4 months na kasi siya and tingin ko wala sa center. See photo for reference. 2. Paano po ba matatanggal yung reflux? Kasi si baby lagi nasasamid bigla na lang inuubo kahit nakahiga lang. Reflux na po ba yun? Kung sakali paano maiiwasan yun? 3. May chart po ba para sa normal size ng tummy ni baby? 4. Para po kasi humina dumedede si baby. Pansin ko po mga 5-10mins na lang siya dumedede. Ok lang po ba yun? 4 months old baby girl and exclusively breastfeeding po. Salamat po doc sa sagot.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Improtant po ang rotavirus. Can be given as early as 6 weeks. 3 dose series, 4 weeks apart. Last dose must begiven before 32 weeks. Wala po sa center. Private pedia lang po. Reflux po common po minsan lampas 1 year old merom pa dn pero bihira, dahil po sa immature na sphincters sa danaanan ng pagkain natin. Make sure lang po na napaburp ng maayos si baby, wag sya ilapag agad sa bed, pagnilapag make sure nakaangat ang ulo. Wala po tayong ginagamit na chart para sa tyan. Pagdede ni baby mas maganda po sna kung 15-20 minutes per breast para po maempty ni baby fully ang breasts.

52. Good evening Doc! My baby is 7mos turning 8 mos this Aug 2 ask ko lang po doc if ok lang po ba if hndi ko nahihilot minsan yung legs ni baby? Kasi sabi nila baka maging sakang si baby or necessary talagang hilotin everyday kasi si baby umiiyak palagi pag binibihisan ano po ba dapat kong gawin Doc para di sya umiyak. Secondly, ok lang po ba na parang naduduling si baby if malapit yung object sa mukha niya? Normal lang po ba yun? Lastly, any suggestions po Doc kung ano ang mabuting gawin ko para makalakad agad si baby. Thank you Doc. God bless you po! 🥰

Magbasa pa
5y ago

Magkaron po si baby ng personal space nya na may pwede syang gabayan.

60. # AskDok .Hello po doc. Ipapa consult ko lng po si LO kasi po nung March 22 nung nagstart syang umubo ng medyo matigas umiiyak sya after. Hindi po namin sya napacheck up gawa ng lockdown wala din pong bukas na pedia. So pinainom nalang po namin ng oregano medyo umokay naman po kaso di pa rin po nawala pinausukan na po namin sya ng may asin. Hanggang sa pinainom na po namin ng ambroxol. Ngayon po umuubo pa rin po sya na may plema yung tiping halak. Minsan medyo matigas naman po . Ano po pwedeng ipainom sakanya ?

Magbasa pa
5y ago

5 months palang po sya doc. Natatakot po kasi kami magpunta sa hospital po eh . Kasi yung mga hospital dito may mga positive sa COVID-19

94. Hello po. Ask ko lang po if normal lang sa mag 5 months old baby ang magdumi 5x a day. Yellowish and may parang may butil butil po. They call it "sawan" daw po. Yung kinain daw po nung nasa tyan pa si baby na ngayon pa lang nua nilalabas? At malapit na daw po tubuan ng ngipin. FTM here po, di ko po alam kung need ko na pacheck up sa pedia. Since may ECQ ang hirap po lumabas ng bahay. Di ko po alam gagawin ko. Ano po kaya talagang dahilan ng pagdumi nya?

Magbasa pa
5y ago

Okay po. Thank you so much po. ❤

57. Doc, 2 month old na po baby boy ko. Last na recorded weight nya was 3.9kg. I know mababa po ito than usual for his age, but lahat po sa kanya nag improve and milestones naman nya for a 2 month old ay nameet naman nya except lang sa weight. The pedia then told me na mag mix feed...ayoko po dahil breastfeeding po talaga kami since day 1. Could this be just growth spurt po? Ano2 pang ways to help improve baby's weight po?

Magbasa pa
5y ago

Doc, thank you so much... Relieved ako knowing na di underweight si baby. Yun po kasi ang sinabi nung isang pedia, the one who recommended formula milk, kaya nagworry ako. Noted po. I'll try to improve my food intake pa. Mahirap lang po kasi especially these days at quarantine tayo. God bless po, Doc!

hello po doc.4months and 13days po si bby girl ko doc may nkita po ako sa lampin nya kahapon dugo po tapos kung dati po napupuno nya diaper nya sa ihi nya ngun po pansin ko parang 3 or 4 times nlng sya umihi tapos subrang dilaw or parang light orange sya na may konting dugo po...d po kc kme mka labas para ipacheck up sya..ano po bang home remedy ang pwede pong gawin para po kay bby?sana po masagot po to salamat po😔

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Same ng problem ko na nasagot din naman ni doc sa baba. Thank you doc!

79. good eve po doc.. sana mapansin po ito at masagot Parang awa niyo na po... 28 days po si baby ngyon meron po siyang plema sa lalamunan pero wlaa po siyang ubo..nung mga ilang days plang po ni baby na susuka niya pero ngyon po hindi na nilulunok po niya at hirap na hirap po siya.. sana po mabigyan niyo po siya ng magndang gmot para po nawala na un..maraming salamat po.. sana mapansin niyo po..

Magbasa pa
5y ago

Mam if hirap po si baby mas maige po makita sya mismo ng doctor and massess po.

Hi, Doc. Nagpavaccine po kasi kami ng penta last March 16. Mag3mos po si baby that time. Pagkatapos nya po mavaccine, namaga yung hita nya kung saan sya tinurukan then nilagnat po. Nawala naman yung maga at lagnat nya. Pero after ilang days napansin po namin na may bukol dun sa part ng turok sa kanya. Mukhang hindi naman po masakit kasi tinry ko pong hawak-hawakan. Ano po kayang pwedeng gawin dun, Doc?

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Please put warm compress po and massage.