#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!

Sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!
145 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

4. Bakit po parang sobrang iyakin ng baby ko these past 2 days/nights?😭 ayaw nya po magdede sakin kasi busog pa naman po sya na halos nasusuka na po sya. Di din naman po puno diaper nya lagi po namin chinecheck. Tulad po kagabi, ang tagal nya po umiyak. Mula po yata 11pm to 12mn. Tapos nagising po sya ulit around 1:45am para magbreastfeed, after nya po dumede, sobrang iyak nya na naman po hanggang past 5am na. Tumatahan lang po sya pakonti konti kasi parang inaantok na po sya pero mas pinipili nya po talaga umiyak. 27 days old po sya ngayon. Please help po. Naaawa po ako sa kanya pag umiiyak and the same time nafufrustrate po ako kasi parang wala kaming magawa ng husband at mama ko para mapatahan sya.😭😭😭

Magbasa pa
6y ago

Pwede pong colic. Himasin po ng gentle ang tyan ni baby. Umiwas po sa pag gamit ng mga acete at kung ano pa pong ibang oils. Kahit mainit na kamay nyo lang po pwede po makatulong. Ipaburp din po mabuti si baby para mabawasan ang hangin sa tyan.