#AskDok session with a Pediatrician
Ngayong darating na March 30, Monday (7-9PM), sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.


Hello Doc 😊 Ask ko lang po, yung rotavirus na booster atsaka pneumococcal hanggang kelan po pwede ibigay kay baby? Hindi pa po kasi kami makabalik sa pedia nya dahil sa lockdown😔 3 months and 16 days na po si baby. Thank you in advance po!
dok nag woworry po ako sa baby ko his 4mons old kasi kaniang umaga d gaano puno diaper niya..after paligo niya mga until 10:59 hindi pa siya naka wiwi.ano po ba dapat gawin?wala kasi mga doctor lalo na lockdown po didto.hope matulongna niyo po ako.
Same concern momsh.
Doc yung Lo ko po hindi pa napapa vaccine nung 6 weeks nya gawa ng lockdown di po kami malakabas,going 8 weeks na po sya sa April 1. Hanggang kelan po pwedeng pa bakunahan si baby ng vaccine na para sa 6 weeks old dapat?
same concern po doc. 2months n baby q.
Hi Doc! ask ko lang po if okay lang po ba na sinusulot si baby ng suppository? bibihira lang po kasi yung mag pupu sya by his own, he's turning 4 mos next month any suggestions po para mag normal yung poop nya? Thank you po :-) #AskDok
Hello po Doc. 9weeks pregnant po ako. Dudumi po kase ako sana kanina. Nung pag iri ko po dugo po ung lumabas. Natakot po ako kaya di ko na lang tinuloy ung pagdumi ko. Ano po kaya to. Di naman po sumakit ung puson ko o tyan. Pahelp naman po.

Para to sa mga nanay na may concern sa babies nila, hindi para sa buntis. Give chance to others..
Hello doc ,tanong ko lang po f normal lang po na after dumede ni bby kahit na pa burp po sya iluluwa din po nya yung milk ,then gutom po ulit sya everytime po na nadede sya ganun po lagi 15days old pa lang po sya,thankyou doc .
Hello po dra. Sa ngayon po, ngstop ako mg breastfeed, nasanay kase sa tsupon si baby. What if po nagpa hair treatment ako, then gusto ko ulit mgpa breastfeed. mga ilang months po pwede ulit magpa breastfeed after ng hair treatment?
Hi dok, ano po yung gamot sa halak ni baby? And yung concern ko po about bakuna doc. 10weeks na po si baby sa April 1. Pero ayaw ko po lumabas ng bahay due to COVID19, pwede po ba madelay yung next bakuna ni baby? THANKS PO.
hi doc, have a greet day! tanong ko lang po hanggang ilang months po ba ang rota teq kasi dalawang beses na nabigyan c bby tapos ang pangatlo hinde pa kasi nkalockdown sa amin. 6 months na at 19days ang bby ko.
Dito po sasagot sa official thread si Dr. Gel: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0330-maala-official/1867593 Diyan po ipost ang mga tanong. Thank you po!
Hello po doc.. yung lo ko po nilalagnat since kaninang umaga.. then ngayong gabi lang po dinadaing nya na masakit ang tiyan nya.. ano po kaya pwede iremedy sa sakit ng tiyan? Salamat po.. G6pd po pala si Lo 3years old
The Asian Parent PH - Head of Content | IG: @candiceventuranza