#AskDok session with a Pediatrician

Ngayong darating na March 30, Monday (7-9PM), sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.

#AskDok session with a Pediatrician
101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello Doc, my baby turns 3mos on april 6, napansin ko lang na minsan ay inoubo sya at parang may plema sa loob pero wala naman lumalabas na sign sa ilong gaya ng indikasyon sa sipon? Please help me worry lang ako.

Hi doc. ano pong magandang cream , soap at lotion para sa baby na may atopic dermatitis? nakapag try na po ako ng mustela at oilatum na soap.. tas cetaphil pro ad derma na lotion .. tska ung desowen cream.. thanks po

Hello Doc, totoo po bang nakakarashes po ang pagkiss kay baby? Pwede po ba naming ikiss yung anak namin? My baby is 1 month old na. Saka lagi po siyang may hiccups every milk. Normal lang po ba yun? Thanks doc!

VIP Member

Dra may baby is now 7 months EBF. Normal lang po ba na di na ganun karame ang letdown ko? Paano ko po mapaparame ulit yun? Nag bbuild po kase ako ng milk stash for donations since stay at home mom naman po ako.

VIP Member

Hi dok..preemie po baby ko 34 weeker po. 1.1 kilo birthweigth nya mag 11 months napo sya.pero 5 kilos palang po sya..nag heraclene na po sya. Di nman po sya sakitin. Dok ano po kaya maganda vitamins kay baby?

VIP Member

Hi doc ask ko lang normal lang po ba yung mga nasa mukha ni baby ? Meron din mo siya bandang leeg at batok niya po . Dahil lang po ba sa init ito ? Tapos yung sa kilay niya po medyo nagddry din po. Salamat po.

Post reply image

Hi Doc! Dahil sa covid-19, natatak9t po kaming pumunta sa hospital. Papayagan po kaya ng DOH na manganak ako sa lying in kahit 1st baby ko po? Si OB ko naman po magpapaanak sa akin. Baka po bukas na ako mangangak..

6y ago

PEDIA siya hindi OB.

Hello doc ask ko lang po normal lng po ba sa baby malamig ung talampakan tska lagi po xiang nababahing wala namang sip.on kinukusot nya lagi ung ilong nya 5MONTHS na po si baby salamat doc sa sagot

Doc tanong ko lang po di po ba delikado na dumugo po tenga ni baby di naman po sobrang pagdudugo bahid lang po, nilinisan ko po kase gamit po ung panlinis na kutsarang maliit, medyo nadiinan ko po.

VIP Member

Hi Dra. May mga nakikita po ako online na pinapakaen ng pasta ang babies nila. My baby is now 7 months old. Anong pasta po ba ang pwede sakanya? And ano po kayang snack ang pwede sakanya?