Am I a bad partner

April 2023 ako manganganak. Ngayon, nag-iipon kami ng pera kasi we need 100k para sa ospital. Waiting kami sa 13th month namin parehas; 25k sakin and more than 35k yata sa kanya then may natabi na kaming 10k. Half ng gamit ni baby nabili ko na. Ngayon, he’s earning 62k per month and road to promotion sya so pwede magdoble if ever and 25k ako. 40k expenses namin monthly at mababawasan pa yon this coming January. Sadly, na-confine yung dog namin because of parvo and nasa 8k na gastos namin and continues pa rin yun. Masama lang loob ko kasi plano niyang mag Cebu this January with his friends and I don’t understand why. Sabi nya para raw makapag bakasyon sya before dumating yung baby namin. Insensitive ba sya or sensitive lang ako? Medyo maselan din kasi ako magbuntis ngayon kaya gusto ko ng emotional support aside sa need namin mag-ipon pa nga. Feeling ko ang carefree nya pa rin although wala naman akong masasabi kasi responsible naman sya. Extrovert kasi sya and mahilig sya sa mga gala unlike me na introvert at taong bahay. Parang sumama lang din loob ko kasi gusto nya magbakasyon e samantalang ako 5 mos na nakakulong dito sa bahay kasi pinagbe-bedrest ako ni doc. Ewan ko. Mali ba kong maramdaman to? Pinipigilan ko ba sya mag enjoy sa buhay? #firsttimemom #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

We have the same situation, Introvert and extrovert partner with delicate pregnancy. Partner planning to go on a trip with friends na kasama dapat ako pero since delikado baka hindi ako sumama pero sabi ko si partner go lang. As long as hindi niya makalimutan responsibilities niya. Enough ang budget when the time comes and complete pangangailangan ng baby everything is okay. Happy partners result to happy parents then a happy baby eventually. When the baby comes mas hindi na niya magagawa yan. No one will be happy na pinipigilan sila. For sure ikaw din. Your feelings and wants are valid so is your partner’s feelings and wants na makakapagpasaya sa inyo. Let him know how you feel then compromise.😊

Magbasa pa

hayaan mo syang mag bakasyon mi, deserve din naman nyang huminga ng konti sa work basta kamo make sure lang na makakaipon kayo ng 100k bago ka manganak, hindi mo rin kasi sya pwede bawalan dahil lang sya gala at ikaw hindi, for your peace of mind hayaan mo sya gawin mga gusto nya mas okay na yan wala pa si baby kesa naman sa gumala sya na nakalabas na si baby tapos ikaw nababaliw sa pag aalaga habang sya nag papakasaya sa galaan dba ☺️

Magbasa pa
3y ago

sa totoo lang mami may mga bagay tayo na kelangan tanggapin like ikaw lang makaka intindi sa nararamdaman mo ganon kahit pareho nyo pa yang ginusto, minsan din kasi pag yung partner naten binawalan naten feeling nila sinasakal naten sila, kaya kami ng partner ko mii pag may gala sya kahit di ko gusto hinahayaan ko nalang kami nalang ni baby ko iniisip ko and sini set ko yung mind ko na AKO LANG MAKAKAINTINDI SA NARARAMDAMAN KO at AKO LANG AT ANG BABY KO ANG MAG DADAMAYAN ☺️