Share my experience??

April 16 2019 ? yan ung araw na malaman kung preggy ako ?? sa totoo lang kaya ako pumunta sa hospital para magpa'check ng ihi , kase kaylangan sa trabaho . Naghintay ako ng 30minutes para sa result ng ihi ko . But nd ku pa don nalaman sa result naun na preggy ako . April 5 2018 , yan ung araw na una kaming nag sama ni husband , live in palang kame pero nd pa kame kasal that time , april may june , sa mga months na yan wala pa akung balak na magpa'buntis kay husband , kase alam kung mahirap , tsaka may mga magulang pa ako na dapat kung tulungan , pero sa mga buwan na yan na lumipas . Unti unting pumapasok sa utak ko na gusto ku na palang mabuntis , sino nga bang nag'tulak saken para gustuhin na mabuntis ?? Simple lang . Siguro ung mga pamangkin nya , ung mga pamangkin nya na super sa kabibuhan , sobrang cute . Ung mas nagtulak pa saken ay ung kahiligan nya sa bata , sa tuwing pinaaalagaan samin ung inaanak nya , makikita mo sa face ni husband ung saya , ung saya na sana pag nagka anak kayong 2 ganyan dn sya sa magiging baby nyo . So ayon nanga , dumating ang july . Dun ko ginusto , as in gustong gusto ku nang mabuntis . Hanggang dumaan ang Aug,sep,oct,nov, hanggang sa naikasal na kame nuong December 20 2018 , wala pdin , dumaan na ang 2019 Jan, feb, march, sa madaming buwan na yan , halos lumugmok ako . Kase walang gabe, oras , arw , na nd ako naiyak dahil sa kagustuhan kung mabuntis . Pero ayaw nyang ibigay . Dumating pako sa point na binigay ku na kay lord pati buhay ko , sabi ko sakanya . Sige lord kunin nyu nako magkababy lang ako , kunin nyu nko pag nakapanganak nko bigyan nyu lang ako .. sa tuwing sinasabi ku yan sakanya . Ang sakit , ang sakit sa dibdib . Kase bat ko hinihingi c baby kung kapalit ay buhay ku lang dn naman . Pano sya kung mawawala dn naman ako , pero naicp ko okay lang . Alam ko aalagaan sya ng daddy nya . So ayon nga april 15 2019 , kinabukasan nyan nung malaman kong preggy ako . Magkaaway kame nyan ni husband , so walang pansinan . Iyak ako ng iyak nung gabing yan . Tas sabi ko kay lord , lord balak ku po mag patingin bukas sa ob . Kase gusto malaman kung may problema ba ako bat nd ako mabuntis , nag dasal ako sakanya . Na sana mag milagro sya . Sana once na tignan ako ni doc , sana may baby na . Walang kaalam alam c husband na magpapatingin ako sa ob , kase ayaw nya nga . Kase katuwiran nya , kung bibigyan kame bibigyan sadya kame ni god , nd lang ngayon . Always syang ganyan . So nd na talaga ako mapakali . April 16 2019 , nag punta na kame sa hospital , para mag pacheck ng ihi , at kinuha ko nanga ang result pag tapos ko mag hintay ng 30min , naghahanap ako ng ob nung time naun , biglang nag tanung c husband , bt daw ako naghahanap ng ob . Nd naman daw need un sa pina check ko , so nd ku sya pinansin kase nga magka aaway kame . So ako sige tuloy lang paghanap ng ob . Nunh malaman ko na may naka duty na ob nung time naun , agad agad ako nagpatingin. Sabi ng husband ko bat ako magpapatingin , sagot ko gusto malaman kung may problema ako , sabi ku pa sakanya kung ayaw nyang mag patingin pwes ako magpapatingin ako , hanggang sabi ko sakanya hintayin nalang nya ako sa sasakyan , so umalis na sya . Hanggang sa pumasok nako sa room ni ob , dun nya gnawa ung tinatawag na transV . So c doc sige lang , tingin tingin if may problema . Hanggang sa may nakita syang space , c baby na pala un . Hanggang sa nag salita na c ob . Sabi nya ohh ur pregnant .. my god !! Nung pagka sabi nya nun . Halos gusto ku nang tumakbo palabas para puntahan c husband at sabihin na buntis ako . Iyak ako ng iyak sa room ni ob . Hanggang sa pinakakalma nya nako . Kase jusko ! Grabe naman , tagal ko naghintay ha .. hanggang sa natapos na ung transV , nag paalam ako kay doc na iihi ako , pero ang totoo ppunta talaga ako kay husband , habang papunta ako sa sasakyan iyak ako ng iyak . Nag aalala na sya kung bkt ako naiyak , kase iniicp daw nya baka may problema ako kaya nd mabuntis . Pero nung pagka sabi ko sakanya na preggy ako , ayaw nya pa talaga maniwala . Hanggang sa humagulgol ako sa iyak , dun palang sya naniwala . Wala kaming paglagyan ng saya , kaya nag papasalamat talaga ako kay lord . Kase pinakinggan nya ako . Now I'm 28weeks preggy ???? Baby Boy pu sya ..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

congrats po 😊 malapit na si baby dumating at ihug ka ng sobra kasi sobrang tagal mo rin hinintay πŸ˜ŠπŸ‘ΆπŸ»πŸ’“πŸ’“πŸ’“

5y ago

Sana nga pakinggan nya ulit ako , sana anjan sya sa oras na ilabas ku na c babay , sana anjan sya para gabayan kame parehas .. umaasa ako na waoang mangyayare samin ni baby πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡

VIP Member

Congrats momsh.. God is really good... may mga trials lng talga

5y ago

Thankyouuu po πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡