byenan

anong ugali ng byenan mo ang pinakaayaw at gusto mo?

221 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lahat Gusto ko . Sobrang Bait at maalaga nyang byenan πŸ₯° napaka swerte ko sa byenan ko . at pinag papasalamat ko yun kay Lord πŸ’— smula nung pinakilala ako ng Boyfriend ko na asawa kona ngayon di nag bago pkikitungo skin non . Nung nanganak ako sa panganay ko sya ksa ksama ko 😍 sya nag aasikaso lahat . nung na dengue ako inalgaan nya din ako . Grabe sobrang Blessed ko na nagkaroon ako ng Pangalawang magulang dhil sa asawa ko . Napaka Cool pa ng byenan ko . 😍 at yung Hipag ko . Para na din kami mag Bestfriend . Pag may problema ako at umiiyak pati sya umiiyak din pag msya ako msaya din sya . pag inaway ako ng kapatid nya gagalit din sya . Mahal na Mahal ko silang lahat πŸ’—πŸ₯°

Magbasa pa