Ugali Problems
Anong ugali ng asawa nyo ang pinaka ayaw nyo? ?
pabaya sa sarili. tamad mag toothbrush, maghilamos, kung di ko pagsasabihan, sasabihin nya nakalimutan nya daw 😂pero mahal na mahal ko sya sobra kahit ganun sya alam kong mahal na mahal nya kami ni baby. never nyang sinaktan feelings ko, napakabait nyang tao. mahal nya magulang nya, sweet sya sa ate nya, maaruga, sobrang mapagmahal, halos subuan nya ko ng pagkain hahaha pagkunteng sugat o may nararamdamanako abot langet pagaalalala kaya minsan parang ayaw ko na sabihin sa kanya kapag nasakit ulo ko hahahahha ngayong buntis ako, sya nagsusuot ng panty ko, nagnanail cutter, nagdadamit sakin, lahat ng gawain sa bahay sya,naghuhugas ng arenola, literal na husband material kahit pagod sya sa trabaho wfh, pag alam nya pinagpawisan ako papagalitan ako hahahha bawal daw kasi ako matuyuan ng pawis, sabay punas, never nauubusan ng tubig ang tumbler ko para healthy daw kami ni baby, water is life 🥰 GUSTONG GUSTO KONG ISIGAW SA BUONG MUNDO NA NAPAKASWERTE KO SA TAONG TO. Simula mag jowa kami 5yrs ago to husband and wife walang nagbago sa ugali nya. I pray to God sana walang magbago. ♥️ sana madaming tao ang katulad ng asawa ko hahahah parang wala ng babaeng nasasaktan, kidding aside, salamat sa pagbabasa. 🥰
Magbasa paMabilis siyang magflare-up. Yung tipong maliit na bagay, kunwari di lang naintindihan masyado sinabi ko kasi mahina pagkakasabi ko, naka"ANO??" agad with high-pitch. Naiinis sa napakasimpleng bagay tulad ng malamig ang soup sa kinainan namin sa labas or hindi agad dumating yung pinakisuyo niya na tubig sa fast food crew. Though hindi niya pinagsasalitaan ng masama yung crew, tititigan niya yan hanggang makaalis kami sa kinainan namin. Laging ganun. Pero sanay na ko. Tanggap ko yun sa kanya. Saka pag nagflare-up siyang ganun. Kapag sa labas ako ang tagakalma niya. Hahawakan ko lang ilong niya, ipepet ang hair niya hanggang batok or hahawakan ko kamay niya with smile, humuhupa na inis nyan. Pag sakin naman nainis kasi nga mahina pagkakasabi ko sa words at nag"ANO?" siya ng high-pitch, ako naman ang tititig sa kanya ng masama. Makuha-ka-sa-tingin poker face look ko. Tapos mageexplain na yan sa mababang boses na, "hindi ko kasi nadinig, mahina pagkakasabi mo. Alam mo naman mahinga tenga ko, ".. Tapos ako naman papakalmahin niya haha. Kasi ayoko ng sinisigawan naman ako. Para sakin lahat ng bagay nadadala sa mabuting usapan na hindi need magsigawan. Kaya titig ko palang, lie low na yan sa pagiging war lord niya.
Magbasa pa-Workaholic. 🙄 Pag tutok sya sa laptop nya, nagagalit sya pag naiistorbo. Naiintindihan ko naman na para sa amin yun, at alam ko din pressured sya dahil may quota sila sa sales. Kaya pag nakatitig na yan sa laptop at nagsasalita na mag-isa ng English, dumidistansya na kami ng anak ko. 😁 -Matigas ang ulo. Anghirap sawayin. Tapos pag napahamak, tsaka nagsisisi. -Mahilig sa rush/madalian. Ako pa naman pag may lakad kinabukasan, kahit gabi pa lang nag-aayos na. Total opposite sya. Like last night, I told him to prepare his luggage dahil may flight sya pa-GenSan. Sabi nya "Bukas na lang. Burnt out na ko." 10:30pm na nanunuod pa sa cable eh 2am dapat gising na sya, dahil 3am dapat nagda-drive na sya papuntang airport. (Nasa Laguna kami) Susunduin pa yung foreigner na boss. Eh di 3:30am na sya nakaalis kasi this morning lang nya inayos ang gamit nya. Nakakainis lang.
Magbasa paBatugan. Pabaya samin ng anak kakalaro. Sobrang bait naman siya. Sa tingin ko naman loyal siya. Yun lang kasi kulang pagdating sa sense of responsibility. "ikaw bahala, ano ba gusto mo?" ganyan siya palagi. Walang sariking direction. Kailangan pinagsasabihan palagi. Umay na ako. Gusto ko nang isauli kaso ayaw niya naman akong iwan. Haaay ewan.
Magbasa pamasyadong mabait lalo na sa mga kaibigan nya, one time nakita nya kaibigan nya na di pa nagdinner pinakain nya dito sa bahay, binilhan nya ng ulam , days after nun, nakita nya nag iinom at nalaman nya na sya pala pinupulutan sa inuman , ang pasimuno yung kaibigan nya na pinakain nya pa. ako yung sobrang nabadtrip hahaha.
Magbasa paAy ang Dami! Daming rason,ayaw ng tinatama, ayaw na pinagsasabihan, laging nakasigaw at malakas ang boses,eskandaloso..makalat, Mabarkada, inum- ng inom..kaya lagi kami nag-aaway.. stress na stress ako nung ngbubuntis untill now..gustong gusto ko na isa-uli sa kanila..
Yung paulit ulit nyang cnasabi kung anong gagawin ko kahit alam ko nmn kung ano yung gagawin... Syaka pag galing work pagkauwi dto mainit ulo palagi kinakausap mo ng matino pasarcastic pa sagot sayo... Tapos naglalambing lng pag gusto makaisa dun ako pinaka naiinis...
ay naku lahat ng inuutos ko madami na sa kanya kahit tatlong utos lang yun jusko tas nagtatanong pa kahit alam naman na nya yung gagawin ka sakit sa ulo ayaw nya alagaan anak nya baka daw kase mahulog (takot po syang bitbitin anak namin) kaya ayun sya inuutusan ko nag rereklamo pa jusko po
Ayaw niya ng multitasking. Ako kasi multitasker so siya natotoxic sa akin. Like pag may lakad andami ko gustong daanan siya gusto one appointment lang per day. Pero pag pinush ko, by the end of the day feeling dami niyang naaccomplish hehe
Disoras na ng gabi asa baba pa para mag ML pa dn. Inaaway ko na sya sinasabi ko pagka panganak ko at gnyan pa din ugali nya wala pa din sense of responsibility mag hiwalay na kami. Tutal wala naman siyang kwenta e.