Your Ex and Whys

Anong reason bakit kayo naghiwalay ng ex mo? #throwback #nojudgemental

Your Ex and Whys
53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Malapit lang naman kami pero wala siya time at lagi niyang excuse ang busy sa business niya pero halos gabi-gabi bigla nalang siya mawawala di ma contact tapos kinabukasan magtetext empty bat daw siya at wala siyang charger. Akalain mo yun ang yaman niya pero walang pambili ng charger🤣🤣🤣 ginawa pa akong tanga. And our communication wasn't that solid. But I had the feeling na may iba and somewhat confirmed it when we were not together anymore. May girl nag post sa fb wall niya saying, "thanks for the other night". And I checked the date at kami pa nung time na yun🤣🤣🤣 and the girl lives like 3 hours from the city kung san kami nakatira. Kaya sabi ko nalang sa sarili ko, "ahh.. kaya pala nawawala siya lagi pag gabi". At di kami nagtatawagan nung time na yun kasi di pa ako naka postpaid. Hanggang missed call lang para malaman kung on phone niya.🤣 natatawa nalang ako pag naaalala ko ex ko. Tapos nung hiwalay na may pa invitation pa na mag coffee daw kami. Gag* talaga.

Magbasa pa

First one, we mutually grew apart. We were young and siguro cultural differences na rin, worried sya na di ako matanggap ng mom nya kasi pure Chinese sila. Second guy cheated on me. Third guy, magulo, lots of hurt feelings plus LDR kami. 6 years din on/off, pero I realized na ang lonely ko sa kanya because my emotional needs aren't met, kasi nga ldr + ibang culture din. TOTGA, daw sabi ng isa kong friend, but it didn't work out eh. Learned so much about what I want in a relationship tho, mas naging independent ako. Fourth guy cheated too! Fifth guy nakipagbreak kasi di ko sya sinunod nung sabi nyang masyadong maikli damit ko, kahit pang-office naman. Childhood crush pa naman namin isa't isa 😆 I wish them well, except na lang dun sa mga cheater. Sana pag luto na yung ulam nila, pagbukas nila ng rice cooker, di pala naluto ang kanin nila. Char 😂

Magbasa pa
3y ago

Haha true, learned so much about myself, my standards, paano magset ng boundaries, at hindi magpadala sa love kung wala namang respeto sayo yung tao. Masaya ako now kasi I'm in a healthy relationship, and we're planning to tie the knot in two years time. Claiming it na! By then may flower girl at ring bearer na kami haha

I really dont know. Kase iba-iba yung nirireason nya. Nung una, kesyo hindi nya daw ako makuha sa pamilya ko (that time kase i still prioritize my parents & gusto nya kase since LDR kami, dun na ako uuwi sa kanya pag uuwi ako ng province). Then nung medyo tanggap ko na ang lahat, kinausap nya na naman ako, kesyo wala daw sya budget para sa kasal namen (we were engaged on the month of april, kasal sana ng december but he broke up with me ng September). And nalaman ko na lang nung nagchat saken sis nya na may ibang gf na sya. Sakit sa bangs noh? 🤷‍♀️

Magbasa pa

1. salawahan 2. we grew apart 3. salawahan ska immature pa rin in a way, nag sstart palang siya sa buhay na gusto niya. matagal din kasi yung kurso na napili niya kaya late bloomer, after nya makatapos dun palang niya na eexplore mga bagay bagay 4.we have diff. plans and priorities, gusto ko n ng family, he wants career muna at magpayaman abroad, sa knya din umaasa magulang nya.

Magbasa pa

INC siya RC ako. Anak siya ng may katungkulan sa church nila. Di niya ako kayang ipaglaban. Sumuko ako. Natauhan ako nung magkasama kami naglalakad tapos makakasalubong namin ate niya. bigla siyang naglakad palayo sakin. yung tipong di kami magkasabay ung prang napadaan lng dn siya sa parehong dreksyon ko. tatlong taon ako nagpakatanga sa wala.

Magbasa pa
VIP Member

pinagtagpo pero hindi itinadhana hahaha, tagal namin kaso dumating kasi sa break up dahil sa pamahiin dahil sa family niya, pero okay lang dahil nakilala ko ang asawa ko nung nagbreak kami

Super Mum

Nagsawa siya sa pag aaway namin.. Naghanap siya ng iba..😊 And I'm glad nagkahiwalay kami.. And after nun.. Nameet ko yung bf ko nun.. Na asawa ko na ngayon😊

3y ago

Yes mommy Mariela❤️✌🏼buti na lang iniwas ako ni Lord sa maling tao😁 Anon.. Ganyan din yung ex ko.. Buti nga sayo umabot pa ng 3 weeks.. Sa akin 2 days lang ata.. May bago na agad😊

.di sya gusto ng family ko 😢 pero d ko akalain na ilang months after break up.. mawawala na pala sya. 😢 prng sinisisi nga nila ako sa pagkawala nia eh..

3y ago

bakit po ano nyare?

Malandi. Cheater. Mama’s boy. Pokmaru ako noon pero may hangganan. Buti na lang! 🤣 Now sobrang opposite niya ang napangasawa ko. 🥰

Highschool puppy love..ung nainlove ka s mukhang aso.Char! haha Gusto nya puro barkada edi gow. Di nlang ngpansinan gang mkagraduate.