βœ•

485 Replies

Galit na galit ako dahil umorder sya sa shopee mga 1k din yata. Tapos wala siya, so ako ang nakareceive at nagbayad. Ang gaan gaan ng parcel! Kung ano ano na chinat ko sakanya. Sabi ko baka naloko na siya. Tapos hindi ko sinabi, bnuksan ko. Couple ring pala. HAHAHAH. Yung simangot na simangot na ko nung bnubuksan ko tas natawa ko pag kita ko hahaha! Nawala kase wedding rings namin. Pnalitan pala niya 🀣❀️ Hindi na surprise dahil inopen ko sa bwiset. HAHAHAA

nagpapa bili ako ng cake, eh ang lakas ng ulan tapos du duty na sya which is pang gabi pa sya, hirap pa kung san hahanap ng cake na maalat na matamis, hahaha sabe nya lang bukas nadaw, tas sinabi kong wag na palibhasa hindi mo kami mahal ng anak ko, hahahahaha ewan ko ba sating mga buntis aarti minsanπŸ˜‚πŸ€£ tapos yun maya maya nakatok na sa pinto may dala na sansrival na cake hahaha pagtapos kong kainin tsaka ko lang sya pinansinπŸ˜‚ hirap maglihiπŸ˜πŸ˜‚

VIP Member

May pinaamoy sya sakin noong 2-3 months pregnant ako. Ako naman si tanga,inamoy ko e ang baho pala. Nagtatakbo ako sa CR,sumuka ako ng sumuka habang sya tawa ng tawa at sinabihan ako ng sensitive so nagalit ako at iyak ako ng iyak kasi di ko mapigil pagsusuka koπŸ₯΄. Nagsorry sya later on,hindi daw nya alam na ganon kaseryoso yung paglilihi kaya akala nya nag iinarte lang ako pag nakakaamoy ng mabahoπŸ˜‚ Muntik nang maghalo ang balat sa tinalupanπŸ˜†

I saw a photo of him and her ex girlfriend sa phone niya, he justified na ndi lang daw nabura yun (well, nag iisa lang naman na yun) and while he is browsing his old fb account. Hehehe. Tapos yung ex niya na yun is nabuntis ng other guy while sila paπŸ™‚. No malice yun b4 noong ndi pa ako preggo, pero nakita ko ulit yun noong preggy ako πŸ™‚ since may changes sa moods and hormones kapag preggo stage, bigla ako nagalit out of nowhereπŸ˜‚

VIP Member

Yung di ko mapigilan na cravings ko. Naalala ko nung buntis ako kay bunso, nagccrave ako ng palabok. Maraming palabok sa area namin pero Jollibee palabok gusto ko medyo kailangan magbiyahe kasi medyo malayo Jollibee samin. Alam ko may bagyo pa nun kaya ayaw sana ni hubby lumabas na. Pero dahil sa cravings ko, hala hindi ko talaga siya kinikibo. Ending lumabas pa kami kahit malakas ulan para lang mamili ng Jollibee palabok. 🀣🀣🀣

VIP Member

Pagkain lang talaga lage dahilan bakit ko siya naaaway sa totoo lang πŸ˜‚ Pag di masarap luto niya o kaya maling pagkain nabili niya πŸ˜‚ I'm working hard and not maluho when it comes to other material things but when it comes to food talaga di ko tinitipid sarili ko and nagssplurge ako para makain yung gusto ko kasi mapili talaga ako sa pagkain. When I don't get what I want to eat nagiging dragon na ko πŸ˜‚

Yung siya taga luto ko tpos mgpapaluto akong adobo pero gnwa nyang bistek tagalog nilagyan nya ng calamansi instead of suka tpos onion na mejo hilaw kc nga namiss daw nya kumain ng onion na puti kagaya nung nsa saudi pa sya πŸ˜‘ ako nmn nagtampo kc gsto ko Ng adobo pero no choice kc sya taga luto ko πŸ˜‘ hnd ko nlng sya pinansin pero marupok lola nio bumigay dn ayun ok na kami 🀣

ung nagpabili ako ng mangga para i sawsaw ko sa bagoong peeo ung binili nyA ung yellow native ba tawag dun sobra sama loob ko perO d na lang sya kumibo hahaha, tapos nung badtrip ako nakita ko sya nakahigA sinigawan ko syA tapos pinaalis sa higaan nilock ko pinto tapos umiyak na ako Hahahahaha pero ganun oarin hindi sya kumibo tapos maguguilty nalang ako pag tulog na sya naaawa akO 😭,

Ininit ni hubby yung niluto kong beef salpicao tapos naamoy ko yung bawang, sobrang uminit yung ulo ko sa kanya kasi sobrang baho. Nung nahimasmasan na ko nag-try ako mag-P.T. kasi parang ang weird ko. Ayon positive nga mga mamsh πŸ˜‚ simula non hindi na ko kumain ng pagkaing may bawang at ginigisa. πŸ˜‚ #currently12weeks pregnant.

Pinabibili ko sya ng KitKat tapos Sabi Nia sarado na daw lahat ng tindaHan,, then ayos niyaya ko na sya sa Kanto marami kase bilihan din tska may mga botika Baka sakali bukas PA nmn 8 pm plng nmn nun tas di ako sinamahan at sinabi na sarado na daw,, ayon di ko sya kinibo at pinansin ng 5 days kanina ko lng sya pinansin πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles