May bisyo ba si hubby?

Ano'ng mas nakakainis sa dalawang to? Alak + Yosi OR Mobile Games?

May bisyo ba si hubby?
738 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

mobile games. kc hindi mabitawan 😅 pero dati pa yun nung buntis pa ako pero nung nanganak nako tinigil nya yung alak at mobile games. pero nung nag 1 yr na si lo binalik ang alak. pag off nya lang Naman. yosi Naman nag less lang sya na kung dati 5 sticks Ngayon 3 nalang. 😅

Walang bisyo pero addict sa pangongolekta ng old bank notes and coins. Before kame magkakilala gumagastos ng libo para makabili ng koleksyon nya. 😂 Now 15 weeks preggy na ako mostly ng koleksyon nya binenta nya para may savings sa panganganak ko kahit may work sya.

VIP Member

yung asawa ko di nga umiinom at naninigarilyo adik naman sa online games. cmula nung ngkakilala kmi gnun na sya tlaga. nahawa na nga ko eh. hnggng ngayon yan parin hilig nya. infareness naman kasi tlagang gamer ang galing. pero khit gnun wala nman syang naaapektuhan.

alak habang nag momobile legends 🙄 kahit nandito lang sa bahay mag isa ganun na talaga.. pampaantok na din nya. (kahit naman di sya mag inom malalim pa din ang tulog nya, tapos pag higa palang o pag bitaw ng cp after mag good night kiss tulog na agad)

VIP Member

meron, nag sisigarilyo. naitigil na nya yan pero nung nag pandemic na stress siguro kaya bumalik ulit. bukod dyan bisyo din sa motor pero okay lang kesa mambabae. pero yung sa pag sisigarilyo, praying na mawala na lalo na may asthma ako.

Though hindi na sya nag smoke at madalang na rin ang pag inom, occasionally na lang. So ML na ngayon. Haha. Hirap lang laging nakatutok sa laro, di na maipahinga ang mata. Good thing lang hindi sya gumagastos para sa paglalaro

VIP Member

Both. Pero ok lang sakin dahil di naman madalas ang paglalaro nya ng mobile games. Minsan lang din uminom. Mas madalas siyang may time makipag bonding sa mga bata. Kaya pag nag paalam na iinom pinapayagan ko na. 😊

Mobile Games 😡😡 hahaha nakakairita, di na nakikinig saken, focus nalang sa laro. mas nagiging tamad pa!! lalo na pag bedtime, ang ingay pa din ng phone dahil sa ml at cod, nakakabadtrip talaga hahahaha haynako

Mobile games lang bisyo ni hubby pero di nman ako naiinis. Hahaha. Sea-based kasi work nya kaya pag bakasyon nya hinahayaan ko lang sya kasi way nya din yun to destress. Tsaka in moderation lang nman kaya okay lang.

VIP Member

He has both. Basta alam lang ang limit for me. Bawal lang magyosi kapag kasama kids. And kapag nakakalimot sya or spends more time than usual for bisyo, I just remind him.