May butlig butlig sa mukha ni baby

Ano pong pwedeng gawin para matanggal yung nasa mukha ni baby, rashes po ba yan? Please pasagot naman po worried po kasi ako baka hindi matanggal, 3 weeks old palang si baby. Pasagot naman po#pregnancy #1stimemom #firstbaby #advicepls #theasianparentph #bantusharing #baby

May butlig butlig sa mukha ni baby
47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po try elica cream or ointment po... super effective po... ganyan lang po sa una nangyari sa baby ko kanggang sa nagsugat na kasi kinakamot nya cguro makati... yong pedia niya po iba binigay na resetang cream kaya po natagalan po ang suffer nang baby ko.. eczema na po pala.. alam nmn nang pedia na etopic dermatitis na po kaya lang ordinary cream na ang hirap hanapin pa po nerisita..meron nmn pala elica na available lang sa mga drug store..1hr lang po makikita na result...hope this help you po..medyo mahal lang 403 yata yon...kesa nmn sa 600+ na nereseta nang pedia niya na wa epek nmn

Magbasa pa
4y ago

no po...pwede siya for all ages

ganyan po sa baby nung 3months siya lumabas yung ganyan niya na diagnosed siya na meron pala siyang skin asthma sobrang selan ng balat.. dinala po nmen sya sa private hospital then niresetahan ng gamot ung cream mahal pero worth it nman nawala rashes ng baby ko makinis na siya ngayon.. hndi dapat mawalan ng gamot

Magbasa pa

try nyu po tuwing umaga ay hihilamos mo sakanya yung gatas mo unti unti po yan ma wawala Kase yung pamangkin ko may gannyan bago sya paliguan ganun nagawa ng pinsan. ko hAnggang ulo nga po yun sa pamangkin ko sa ulo namn po ay pwede baby oil pero kaunti lang bagu syamaligo

normal lang po yan , gamitin niyo po cetaphil tapos pagkatapos maligo yung bulak lagyan niyo ng baby oil tapos punas2 niyo po wag po pilitin na matanggal baka po magsugat kosa din yan mawawala bsta kada pagkatapos maligo si baby ganun lang gawin.

nagkaron ng ganyan si baby ko nung ilang weeks plang sya, nikinis ko ng baby oil, kaya lang ngkaron sya ng mga butlig. naging rashes, kaya ginawa ko nung nawala na yung mga butlig, gatas ko na lang pinanlinis ko mommy, o kaya tubig.. ayun, ok na sya.

Try lactacyd. Eversince pinanganak ko baby ko nung Nov 29, yun na ginagamit kong liquid soap nya kada maliligo. Super kinis ng balat nya. Namalat sya pero di marami. Konti lang. ngayon clear na skin nya. 20days palang si baby ko.

VIP Member

nagkaganyan din po c baby ko. ang ginawa ko po pinupunasan ko baby oil bago maligo tapos pupunasan lng ng towel na basa. wala pong sabon. unti unti sya matatanggal. baka kasi kumapal yan mas masakit pag hndi agad nawala.

Everyday mo syang papaliguan tapos po kus.kusin mo nang Lampein or malinis na tela kusang matatanggal yan ganyan yung baby ko po nung weeks palang sya .. Tpos cetaphil baby wash po gamit nya

Pacheck up mo na agad mommy kesa mag self medicate ka. May ganyan din baby ko nun pinacheck up ko. Pinalitan yung sabon nya ng cetaphil at sabong panlaba ng damit ni baby ng perla. :)

sabi ng mga matatanda 7 months above di na daw pwde makipagtalik .kasi ang dumi daw ng baby pag labas nya. matagal daw yan tanggalin ..baby oil lang yan monshie☺

4y ago

kia po nagkakaganyan mga lo ntn dhl nagaadjust p po yung skin nla s temperature 🙂