to avoid those incident

Ano po ung mga sanhi kung bakit nalalaglagan ng di sinasadya ang mga preggy mom? I'm just curious po kasi may nabasa po akong article na iniwasan nya naman po lahat ng pinagbawal sa knya ng OB nya and elders, but in the end nalaglagan pa din po sya ng baby :'( Nakakatakot lang na baka sa lack of knowledge or experience sa pagiging mom lalo pag 1st baby e. Mga momsh pa share naman po ng info. Pano po kaya nangyayari ung ganung iaccident at pano mas makakaiwas pa sa gnun? Salamat.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Unfortunately, may cases na kahit anong ingat is mawawala at mawawala ang baby. I lost mine last year. Ingat na ingat kami nun dahil first baby, alaga sa OB and sa vitamins/supplements pero never nagkaheartbeat si baby due to Chromosomal abnormality. Di nagprogress si baby dahil nadetect ng katawan na may mali sa chromosomes niya and body mo na kusang magrereject nun, hence, ilalabas niya either naturally or ii-induce. Sadly, there is no point of taking precautions sa mga cases na ganito. Just hope and prayers lang talaga.

Magbasa pa
VIP Member

Ako rin napaparanoid ako sa mga ganitong situation. Minsan iniiwasan ko naman magbasa ng mga ganon. 😪 May nabasa ko sa FB malapit na siya manganak kakacheck up lang niya kahapon ok pa baby niya tas kinabukasan pag balik niya wala na hb baby niya. Sabi niya nababawasan daw pa konti konti ung panumigan niya. Kaya wag daw natin ibinabahala pag may nakikita tayong discharge, kahit white mens pa yan. Nakakatakot

Magbasa pa
5y ago

Paano pong pati sa white mens momsh?

VIP Member

Wala kang magagawa kundi mag ingat lang. Minsan kasi hindi compatible ang sperm and egg cell na nabigay nyong mag asawa kaya ang baby may time lang na kayang mabuhay at malalaglag din talaga dahil hindi nya kaya magsurvive.

VIP Member

Pray lang momsh. Kung bibigay ni Lord bibigay nya

one explanation is my abnormality sa devlopmnt ng egg cell at sperm cell kaya di mksurvive, mamiscarriagr talaga. iba nmn masyadong mababa ung matris kaya nalaglag. ngyari ksi sa akin ang first reason sa aking 2nd pregnncy. . .

We did everything then pero I had miscarriage pa rin. Ang inexplain ni OB sa akin ay may four reasons daw. Because of sugar, thyroid, chromosomal abnormality (ito daw yung common), and APAS. Alin man doon.

5y ago

Pano pong sugar? Nasobrahan sa sugar po?

Related Articles