Rashes

Ano po pwedeng igamot sa rashes ni baby?? 2weeks old. Nilagyan ko ng petroleum jelly lalong lumala 😭 naaawa nako sa baby ko, everytime na nagpopoop sya umiiyak. Nahahapdian yata.

Rashes
63 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung calamine mommy, medyo matapang yun minty. I suggest rashfree ointment. Pero carry din naman yung calamine na sina-suggest ng other mommies natin here, manipis lang lagay mo. Para may option ka lang. Atchaka lagi mong bantayan si baby, nababad sa poopoo and weewee yan eh. Iwas tambay ng matagal sa diapers. Wag po petroleum jelly, walang effects yun mommy. Promise. Basta may weewee na every 4hrs palit diaper na lalo na kung puno na dahil sa weewee kahit wala pang 4hrs. Pag poopoo naman palit agad of course. Wag po tayo mag tipid sa diaper mas magastos pag na-hospital si baby or painumin ng mga gamot diba? Pasingawin mo din lower part ni baby, yung bang wag siyang mag diaper kung alam mong di naman siya mag poops, ganun. Pang wash cotton and wilkins lang. Good luck mommy. πŸ‘πŸ»β˜ΊοΈ

Magbasa pa

Hayyyyst bakit kasi inaasa sa wipes wipes lang ang panglinis ng private part n baby?? Nagkarashes tuloy wawa nman.. :( mommy hndi dapat inaasa s wipes lang ang pang alis pupu n baby. Use warm water & cotton instead. Grabe n rashes n baby oh. Tas lalagyan mo pa ng petroleum ee mainit sa balat yun lalo n sa baby hayyyystπŸ€¦β€β™€πŸ€¦β€β™€πŸ€¦β€β™€ pagpahingahin mo c baby s diaper kahit day time mag lampin ka muna. Tas sa gabi kana lang mag diaper.

Magbasa pa

Wag po petroleum jelly kasi mainit po Yun lalo na kulob part na inapplyan nyo mas lalo pong mairritate. Try calmoseptine or drapolene cream. And change nyo na rin po brand ng diaper nya baka hnd hiyang. Wag din po hayaan mababad si baby dapat lagi dry Ang perianal area. Kawawa si baby Sana matanggal na diaper rash nya

Magbasa pa
VIP Member

Hnd nmn effective petrolium jelly momshie eh ganun dn dati ginawa q. Ang nadiscover q po n super effective palit kau ng brand ng diaper then after po maligo ni baby apply nyo drapolene cream. If kaya p ng budget everytime n mgchichange ng diaper wipes nyo po then apply lactacyd liquid powder super nice po 😊

Magbasa pa

mommy kawawa naman baby mo sana gumaling na sya solution 1. magpalit ng diaper regularly, magpalot din ng brand, try mo po pampers comfort dry 2. use cotton and warm water to clean baby pwet and pepe WAG NA GUMAMIT WIPES 3. calmoseptine mura at mabisang treatment dyaan, malamig sa balat yun

Magbasa pa

Ok ung calamine ointment malamig kasi un pag inapply. Wag muna mag diaper para hindi lumala, lampin muna and dapat lagi check na hindi babad sa ihi . And much better to do po is pacheck up nyo po sa pedia. Mas mpapanatag ka momy pag nacheck ng pedia and mabigyan ng tamang gamot.

VIP Member

Mainit po ang petroleum jelly, before po maglagay ng kung ano sa baby better pa online consult nyo nalang po kasi iba-iba ang assessment ng doktor kasi nakadepende yan sa symptoms din no baby. Wag agad mag self medicate kasi baka mag worst pa po.. sana gumaling na si baby

Do not use petroleum jelly kasi mainit siya sa balat ng babies. If you're cleaning up, better use warm water and cotton until mag 3 mos siya. I suggest to use EQ dry and nursy wipes sensitive after 3 mos if you are on budget. Tried and tested ko na yan πŸ‘

Foskina and physiogel. Ayan kasi reseta sakin nang pediatrician ni baby and wala pang 1week magaling na rashes ni baby sa face and nawala din yung pagiging dry nang skin nya. Sa watson and mercury makakabili po nyan. 😊 yung foskina nasa 100+ yung physiogel 500+

Diaper po ba si baby? Try niyo po mag change brand diaper ni baby. Ganyan din po kasi baby ko nuon. Laging nagkakarashes, until nag change po ako ng brand at sinusuotan ko na rin sya diaper cloth or lampin po pag umaga.

Related Articles