RASHES

Ano po bang pwedeng ilagay sa rashes ni baby sa face? 1month old palang po kasi sya. buong mukha po meron hanggang leeg. petroleum jelly po nilalagay ko pero walang nangyayari ☹️

RASHES
109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mami Same po tayo . Ganyan dn sa baby ko buong mukha 1month lang dn sya nun . Nag online consultation po ako sabi po ni doc . Hi po, normal lng po sa babies magkaroon po ng rashes na parang maliliit na pimples po. Mga clogged pores po ito. Pero mawawala nmn po after a few weeks to months. Importante po si baby malakas po at sumususo. After 1wk pls update niyo po ako if lumalala po. Make sure po malinis ang paligid tsaka kamay mo at ni baby po.  Kusa lang po nawala . Un nga lang po matagal. Wala po ako pinahid . Cetaphil po ginamit ko na soap ni baby . Kapag nag dry na po sya malapit na po yn mawala . Peru c doc my nireseta organic ointment tiny buds . Kung bother dw po talga ako .

Magbasa pa

Hi Momsh! Wag mo po lagyan ng petroleum jelly, mas lalo ma i irritate normal po yan sa baby na mag ka rash . Kung breastfeeding ka , dampian mo nang milk mo then luke warm water sa cotton. Tapos sempre palagi po dapat nag papalit ng bed cover mga punda nang unan, mas okay po white or light colors para if ever man na may dumi or insects madali makita . Sinabunan ko din nang cetaphil , naging okay naman na . Basta lahat nang gagamitin ni baby like towels , pillows kumot make sure na malinis .

Magbasa pa
VIP Member

Hello po, for my experience po sa baby ko ganyan ka sensitive niya since baby upto now na 4 years old na xa, avoid po lagyan ng petrolium kasi mainit po yon sa balat ng baby, sa akin lang po ha ..... ang ginagamit and per advice lng po nang pedia ng baby ko ay Oilatum na bar soap and avoid kissing po tsaka yong mga gamit ni baby kung pupwuede iwasan yong matatapang na sabon panlaba at plantsahin po yong mga damit/ gamit niya po.. thank you

Magbasa pa

Momsh wag ka muna gumamit ng kung ano ano. ganyan din si Lo ko. as of now pawalawala na siya. Super mas lala pa yung ka lo ko. Every maligo siya gumamit ka ng cotton lagyan mo ng tubig tapos yun ipahid mo sa mukha. sa katawan naman mix mo muna ng water yung sabon na pang liligo. gawin mo every ligo niya din observe mo just be patience lang sa skin ng Baby kc ganyan talaga yan. Normal. pero pag wla padin at lumala pa check munas pedia. 😊

Magbasa pa

hay naku andto na naman yung mga mgagaling na try nyo toh try nyo yan tapos pag lalo lumala hindi naman cla mananagot. tantanan nyo na nga !!! normal po yan at mawawala kusa yan kaya wag nyo na lagyan kung anu ano. breastmilk daw sabi ng mgagaling jan sus!!! bka lalo lang lumala yan. sbukan nyo mga hrand na sinasabi nila? e kung hndi hiyang ke baby mo mananagot ba sila? wag kayo maniwala jan sa mga masyadong magagaling magsalita jan.

Magbasa pa

Wag po petroleum jelly. Mainit po un sa balat lalo na sa baby. Mild soap po like cetaphil or kung wala kahit water lang po pede din 3x nyo po punasan ung muka ni baby gamit ung bulak tapos any mild soap or water and wag pabayaan na hawakan ni baby or kuskusin ung muka hanggat kaya pigilin kase makati po yan. And the more na kinakamot nya mas lalo magiging worst. And try to see your pedia para mas maganda po.

Magbasa pa

Hi mommy! Baby ko rin may ganyan and nag research ako if namamalat and namumula it may be eczema. Petroleum jelly unscented din gamit ko nung una pero for the meantime lang mawawala then babalik ulit. The best yung Aveeno eczema therapy para jan mejo pricey lang. And use cetaphil pang ligo. Always moisturise your baby din para iwas skin problem. 💕

Magbasa pa
VIP Member

mommy stop mo paglalagay ng petroleum jelly mainit yan sa katawan and sensituve pa skin ni baby. Hayaan mo lang yan mommy kusa yan mawawala pero kung gusto mo pacheck up c baby sa pedia. For me ah .sa init ng araw yan or baka sensitive sya sa sabon na gnagamit nya.Yung sa baby ko warm water lang gamit pag naliligo d pa ko gumagamit ng any soap.

Magbasa pa

gnyan po baby ko dati prang mas grabe pa nga jan ng konti e ang nirecommend ng pedia skn i cetaphil sya yung gentle cleansing n pang adult yung ndi mabula yun gngamit ko s knya na panligo tas nilolotion ko dn ng cetaphil baby lotion buong katawan nya pati muka.ayun nwla nmn mga rashes nya tas kuminis at pumuti pa c lo ko.

Magbasa pa

Wag nyo po lagyan Ng petroleum mamsh mas lago po sya mairritate. Saka mainit po sa balat Yan. Wala po tayong dapat ipahid dahil supersensitive ang skin nila. Gamit na Lang po kayo Ng cetaphil gentle cleanser pang wash mild po un pwede sa newborn 👍recommended dn Ng pedia