Hirap sa Pagtulog
Ano po mga ginagawa nyo para po makatulog ng maayos? Hirap ako maghanap ng pwesto paano maging kumportable. Naglalagay na ako ng unan sa bawat gilid ko, kaso di talaga ako kumportable. Minsan nagigising nalang ako na nangangalay kamay ko at balikat kasi nakakatulugan ko pala habang naka unan sa mga kamay ko. 24 weeks pregnant here. Sumasakit at nangangalay tagiliran ko lage tas lagi pa ako pinupulikat. Sa mga nakaranas neto, ano po mga ginawa nyo po? Thank you.