Nag Didilim Ang Paningin

Ano po Kayang nang yayari sakin. Nahihirapan ako huminga at hingal na hingal Nag Didilim din ang paningin pag sobrang na tagal naka tayo ? 3months preggy po ako

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pareho tayo ganyan nangyari sakin kanina habang papasok ng trabaho, nakasakay ako sa mrt bago palang ako sumakay tumawag ako sa asawa ko nahihirpan ako huminga nung sumakay na ko okay okay pa pagdating ng kamuning station hinahabol ko na ung hininga ko nahihirapan na ko pinagpapawisan na din ako tapos nandidilim na paningin ko ang ginawa ko bago ako tumumba pagkadating sa cubao bumaba na ko agad kahit santolan pa sana ko, umupo muna ko nagpahinga mga ilang minuto. 11 weeks and 5 days ako. Magpapacheck up nalang ako bukas para sigurado.

Magbasa pa
6y ago

Opo, thank you carla ๐Ÿ˜˜

Nangyare saken yan twice while nasa misa sa loob ng church. Siguro dahil mainit din sa loob ng simbahan. Nakatayo nun tapos dumilim paningin ko kaya napaupo ako bigla. Nagworry si hubby. Pagkacheckup namin sa OB, nalaman kong twins pala dinadala ko. Kaya siguro ubos ang lakas ko dalawa pala babies ko. Pacheckup ka mamsh baka either low blood ka or kambal din dinadala mo. Hehe!

Magbasa pa

Better na magpacheck up ka kaagad kasi 3 mos ka pa lang, di pa kalakihan ung tummy mo so dapat di ka pa din masyadong hingal na hingal, and nagdidilim ung paningin mo, delikado yan kasi baka mamaya bigla ka mag collapse. Kaya mas maganda na magpacheck up ka na agad just to be sure lang din.

Ako po knina sumakit tyan ko tapos parang mawawalan ng malay solo pa nman ako sa byahe buti na lng po dala konung white flower ko aun po pinahid ko lng sa ilong ko tapos po ok na uli ako.. Try nyo po bumili ng white flower sa botika.. Mkktulong po un kpg parang mawawalan tayo ng malay

Nangyari na din po saakin yan. Okay ang BP ko and pulse rate when they checked. Pinag brown bag lang ako sa ER to circulate oxygen. Always carry a brown bag sis, a sugar free mint candy and rest or upo agad pag hingal.

Normal lang yan sis nausea yan, symptoms yan ng 1st-2nd trimester. Ganyan ako nagbuntis pero until 5mo.s sa awa ng Diyos nawala na. pagsusuka nalang ako ngayon. more on water ka lang saka prutas na mafiber.

baka low blood ka momy,ganyan nangyari sakin sobra init kase nun tapos nagdilim paningin ko tapos namimingi ako un pala sobrang bumaba dugo ko kain ka po ng mga talbos ng kamote

Ganyan na ganyan ako kanina habang nagluluto ng breakfast. Bigla nalang ako nahilo at dumilim paningin ko. Inupo ko nalang at pinikit. Sobrang hilo ko. Pahinga lang, mamsh.

baka po sa BP niyo yan mamsh. magpa BP po kayo para malaman kung mababa ba o mataas yung dugo. highrisk din sa nahbubuntis ang highblood kahit ang lowblood.

VIP Member

First time po nangyari?? Pa checkup ka po, at kapag nangyari sa public, relax ka po. Ingat po tayo mga mamsh. ๐Ÿ’•