Rashes sa leeg ni baby
Ano po kayang mabisang gamot dito? Leeg po ito ni baby, wala naman to nung mga nakaraan. Sapat ba na panatiling dry at pahanginan lang para mawala? 1month old po si baby. Salamat po sa sasagot.


Sa friction yan o ung pagkikiskisan ng leeg ni baby, saka lagi kc nakadikit ung baba niya kaya di nahahanginan. di naman pwede na lagi mong itingala si baby. magdidikit at magdidikit tlga ang baba at leeg niya, tapos siyempre pagpapawisan pag nagdikit. tapos magkikiskisan. dun naiiritate. try mo lagyan ng konting baby powder pagkatapos niya maligo. ung dry dapat ang leeg niya. saka dapat nalinisan mo din mabuti sa ligo niya. alam ko na bawal pa ang baby powder sa baby. ang ginagawa ko nagpi pinch lang ako ng konti tapos nilalagay ko sa leeg niya mismo saka ko i-spread dun sa part na madalas mamula. pag kc may powder, maiiwasan ung paggasgas. pero kung may sugat na, wag mo lagyan ng powder. ipacheck up mo muna.
Magbasa pa