Pagpapaaraw kay LO
Ano po kaya way para mabawasan paninilaw ni baby, 1week and 3days pa lang sya. Makulimlim kase sa umaga kaya hindi kami makapag paaraw. May ibang paraan kaya para mabawasan paninilaw ni LO.
Hello my same sa baby ko nun. Sabi ng pedia niya as long as nasa labas o kahit nasa veranda lang okay na kahit walang araw talaga. Tyagaan lang sa pagpapa araw. Sa awa ng Diyos nawala naman yung paninilaw nya after a month or so. okay na ngayon.
jaundice si baby ko mi, nag phototherapy kami sa hospital before makauwi. advice ng pedia namin pag ganitong maulan, pweding gumamit ng (bombilya na yellow) adjust nyu lng Ang distance since mainit sya.
Nagpaphotetheraphy din lo ko. Kaso madilaw pa din siya ngayon. Mga 1 month na siya. Ang sabi ni pedia sa akin ang jaundice niya ay sa breastmilk ko. Pure bf kasi ako. Sabi niya e wag naman daw itigil
inform your pedia if sobrang madilaw pa. baka need magphototherapy ni baby. yung late afternoon sun pwede din kaya lang lately maulap nga.
nag phototherapy na po sya before sya payagan madischarge. kaso medyo may paninilaw pa din po
Pwede naman magpaaraw anytime of the day. Basta hindi sobrang init sa balat. Kapag makulimlim naman sa tanghali pwede naman
Go back to pedia po since 1week na yung madilaw na kulay.
photo therapy mii.