Anterior High Lying Placenta Grade II

Ano po ibig sabihin nyan? Possible po ba na makapag normal delivery??

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Kung nasa early 3rd trimester po kayo, normal po ang placenta Grade 2. Anterior po- ito po yung pwesto kung nasaan yung placenta, nasa harapan po yan High Lying- okay po ito, so ibig sabihin mataas po ang inunan ni baby Placenta Grade- yan po yung grading kung mahihinog na ang placenta. Grade 0, Grade 1, Grade 2 at Grade 3. Yung grade 3 po sa mga malapit na manganak po yan nakikita. Yes makakpagnormal delivery ka po basta po si baby ay nakapwesto ng maayos, bumababa, nagproproceed ka sa active labor, wala kang problem sa cervix o daanan ng bata, at walang ibang sakit - hypertension, diabetes.

Magbasa pa
3y ago

Yes po, okay pa po ang grade 2 placenta sa 36 weeks since di pa po mature talaga para lumabas si baby nyan. normally po nagiging grade 3 pag manganganak na o kabuwanan na- 38weeks above po.