rashes
Ano po gamot sa rashes sa face ni baby?
Nung sa baby ko po, breastmilk ko lang nilalagay ko sa cotton babad for 5 mins before sya maligo. Nawala din po sya. Pero case to case basis din po. Mayroong applicable at effective sa ibang baby pero sa iba hindi. If nagwoworry po kayo better consult it with his pedia po para mabigyan ng tamang gamot 😊
Magbasa paNormal pong lumabas sya sa newborn. Minsan dahil sa init at pawis nya. Pero ang ginawa ko po dati yung milk ko ang pinapahid ko sa face nya before sya maligo. Nilalagay ko sa bulak. Pero kung bothered ka talaga mommy much better go to his pedia po para ma-diagnose ng maayos kung ano po yan 😊
Nagkaganyan bunso ko. Sabi ng pedia nya sa sabon daw yan. Lactacyd kasi gamit ko then switch to dove baby peeo ganun pa din so switch sa cetaphil. Saglit lang, 2days kinis na face nya. Til now, hindi na nag ganyan. 4months old na sya ngayon. 2months old sya nagkaganyan fes nya.
Cetaphil sabon sa ligo then breastmilk ko before sya magsleep sa gabi.
Cetaphil gentle wash momsh. 2days wala yan. Ganyan din po sa baby ko halos 1week na sobrang dami then sabi ng pedia change soap ako kay baby which is un cetaphil then after 2 days nawala na po. Lagyan mo muna face nya then babad ng 5mins bago mo sya paliguan.
kuha ka bulak tas basain mo ng mineral water tas punas punasan mo lang mukha niya everyhour. ganyan lang ginawa ko sa baby ko nung nagkarashes siya sa face mas malala nga yung sa baby ko tas pinunas punasan ko lang ng mineral water ayun nawala.
normal lang po yan. ganyan din po si baby ko dati.mas madami pa po.ginawa ko iwas mona ako sa pag kain ng itlog at manok..tas bago matulog si baby pag gabi pinupunasan ko ng maligam gam na tubig mukha nya 😊 ngayon ok na baby ko 😊😊
Ganyan din sa baby ko mamsh. Gatas ko pinapahid ko. Then nagpalit ako ng baby wash. Dati Johnson's gamit ko. Nag palit ako ng lactacyd baby bath. Kuminis naman na mukha ni baby. May pasulpot sulpot na lang. Unlike before na ang dami.
You may try to use your milk momsh, avoid kissing baby on the face saka use mild soap and mix with small amount of water on your hand If hindi pa din po bumuti, better po na mapa check up na sya para mabigyan ng tamang cream...
Milk lang ilagay mo sa cotton at ipahid kay baby lage. Baka hindi rin siya hiyang sa baby bath soap niya. Cethapil gamit ko kay LO dati pero nagkarashes siya so i used johnson baby bath ayun kuminis naman mukha niya.
Ganyan baby ko pagkapanganak may rashes sa muka. Kusa naman po yan mawawala. Minsan po nilalagyan ko breastmilk ko. Sabi rin po ni pedia ko tuloy lang breastmilk mawawala rin yan. And iwasan ang pagkiss kay baby..
excited 1st time mom