Anong mga dapat gawin para bumuka ang cervix? Close cervix pa din ako at 38 weeks & 4 days!

Ano po dapat gawin para bumukas na ang cervix po? No signs na malapit na manganak (signs of labor) and no bloody show or discharge. Lagi naman po nagwawalking every morning and drinking pineapple juice. Taking evening primrose na din. Hays. #1stimemom

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, wag po kayo masyadong magstress kasi it can affect your baby po. Kapapanganak ko lang last March 8. March 7 after long walk ay nakaramdam talaga ako nung pagod na hindi lang physically. Mentally, emotionally and even spiritually tired na ako talaga. Grabe ang iyak ko nun habang naglalakad kasi naiisip ko napapagod na ako hindi lang sa pagpapatagtag kundi sa buong journey pero parang walang kasiguraduhan lahat. Nakakapagod mag-intay. Nakakapagod mainip. Bakit ko nasabing nakakapagod? March 3 palang, lumabas na mucus plug ko. Morning, nagpunta ako hospital para magpa-IE pero 1cm palang daw. Dami nagsasabi sakin na ay dugo na lumabas manganganak kana niyan mamaya or bukas. So syempre, excited ako. Hanggang sa lumipas nalang ang 3 days, nawala ang bloody show, naging discharge nalang. Hanggang yung gabi nung march 7 na grabe iyak ko, mga 9:30pm, nagsimula sumakit balakang ko. Sa tyan wala ako nararamdaman. Sa balakang lang talaga, tapos panay lang tigas ni baby. Di ko alam anong pwesto gagawin ko. Di ako nakatulog. wala sa isip ko na naglelabor na pala ako kasi sa balakang lang talaga masakit. 2pm nang March 8 nagdecide ako magpunta sa hospital kasi natakot ako baka kako UTI yun. Pagka-IE sakin, 3cm na ako at active labor na. Tuloy tuloy hilab pero yung heart rate ni baby hindi na stable. Tataas, bababa. after an hour 4-5cm na ako. Ganun pa din heart rate ni baby. Nagdecide dra ko na emergency cs na ako. Kaso paglabas ni baby, may infection sa blood. Possible daw na nakuha dahil nastress siya sa loob at nakuha din sakin dahil baka may uti ako habang buntis or nung habang nagpapatagtag ako kasi weekly check up naman ako clear ako sa cbc at urinalysis ko. Yung week lang nung nagpapatagtag ako, yun ang di nabantayan ni OB ko. Kaya mga mommy, si baby lalabas yan pag gusto na nya. Wag nyo po masyado stressin sarili nyo sa pagpapatagtag. Kumikilos pero wag sobrang pagurin sarili nyo. Lalabas si baby pag gusto na nya and always monitor yourself and baby po. Have a safe delivery po, mommy! 🤗

Magbasa pa

Ako po nun January 15 due ko, January 3 1cm palang po ako binigyan ako pampanipis pa ng cervix Hyoscine buscopan tsaka evening primrose iniinom ko, tas january 12 ganun pa din po di tumataas cm ko. Dapat sched nako for cs kaso nag covid positive naman ako nung January 15 kaya di ako inadmit, tas January 19 sabi 2cm nako going 3cm active labor binigyan nanaman ako hyoscine and eveprim pag uwi namin uminom ako 1hyoscine and 1eveprim tas after lunch pinainom nanaman ako 2hyoscine 1eveprim, tas 3hrs walking ng tanghaling tapat nakauwi na kami 3pm siguro or 4pm tas nag hilamos ako natulog, pag gising ko ng gabi squats ako 50 squats and walking ulit tas uminom ako salabat tas 2 pineapple juice, tapos pinasukan ko ng 3 na eveprim pempem ko tas natulog nako. 1am nagising ako wala pa din wala ako maramdaman na manganganak nako by 3:30am ayun po sumakit na nag padala nako kung saan ako manganganak 9hrs of labor January 20, 2022 12:55pm lumabas na si baby 🥰 41weeks po ako sakto nanganak

Magbasa pa
TapFluencer

ako mi 24 hrs labor hanggang pumutok na panubigan ko 2cm pa din ako kaya ecs na ako lakad nmn ako ng lakad tagtag ako sa gawaing bahay nsa cervix tlga mi kng bubuka agad .

Itlog na hilaw, ganun ginawa ko kinabukasan nanganak na ko 2hrs lang labor pagpunta sa lying in 10cm agad. 39 weeks & 4 days ako nun. Pero try mo mamsh baka makatulong.

sis pasok mo da pempem mo eveprim sis ..ako nun iniinum ko tas nag papasok ako once a day ng eveprim sa pempem ko bili bumuka cervix ko

Continue mo lang walking mami samahan mopo ng squating 😊 Nag open cervix ko almost 40weeks na tyan ko😊

VIP Member

Try nyo yan baka may friends kayo na pwde bilhan safe po yan lalo na katulad nyo malapit na manganak

Post reply image

eto po for 34+ weeks preggy para daw po mabilis manganak https://vt.tiktok.com/ZSd1x3XUM/

salabat at pineapple juice ang inumin mo po para mabilis mag open ang cervix mo

Do not stress yourself talk to baby,too early pa naman po 40-42weeks max.