Anong mga dapat gawin para bumuka ang cervix? Close cervix pa din ako at 38 weeks & 4 days!

Ano po dapat gawin para bumukas na ang cervix po? No signs na malapit na manganak (signs of labor) and no bloody show or discharge. Lagi naman po nagwawalking every morning and drinking pineapple juice. Taking evening primrose na din. Hays. #1stimemom

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, wag po kayo masyadong magstress kasi it can affect your baby po. Kapapanganak ko lang last March 8. March 7 after long walk ay nakaramdam talaga ako nung pagod na hindi lang physically. Mentally, emotionally and even spiritually tired na ako talaga. Grabe ang iyak ko nun habang naglalakad kasi naiisip ko napapagod na ako hindi lang sa pagpapatagtag kundi sa buong journey pero parang walang kasiguraduhan lahat. Nakakapagod mag-intay. Nakakapagod mainip. Bakit ko nasabing nakakapagod? March 3 palang, lumabas na mucus plug ko. Morning, nagpunta ako hospital para magpa-IE pero 1cm palang daw. Dami nagsasabi sakin na ay dugo na lumabas manganganak kana niyan mamaya or bukas. So syempre, excited ako. Hanggang sa lumipas nalang ang 3 days, nawala ang bloody show, naging discharge nalang. Hanggang yung gabi nung march 7 na grabe iyak ko, mga 9:30pm, nagsimula sumakit balakang ko. Sa tyan wala ako nararamdaman. Sa balakang lang talaga, tapos panay lang tigas ni baby. Di ko alam anong pwesto gagawin ko. Di ako nakatulog. wala sa isip ko na naglelabor na pala ako kasi sa balakang lang talaga masakit. 2pm nang March 8 nagdecide ako magpunta sa hospital kasi natakot ako baka kako UTI yun. Pagka-IE sakin, 3cm na ako at active labor na. Tuloy tuloy hilab pero yung heart rate ni baby hindi na stable. Tataas, bababa. after an hour 4-5cm na ako. Ganun pa din heart rate ni baby. Nagdecide dra ko na emergency cs na ako. Kaso paglabas ni baby, may infection sa blood. Possible daw na nakuha dahil nastress siya sa loob at nakuha din sakin dahil baka may uti ako habang buntis or nung habang nagpapatagtag ako kasi weekly check up naman ako clear ako sa cbc at urinalysis ko. Yung week lang nung nagpapatagtag ako, yun ang di nabantayan ni OB ko. Kaya mga mommy, si baby lalabas yan pag gusto na nya. Wag nyo po masyado stressin sarili nyo sa pagpapatagtag. Kumikilos pero wag sobrang pagurin sarili nyo. Lalabas si baby pag gusto na nya and always monitor yourself and baby po. Have a safe delivery po, mommy! πŸ€—

Magbasa pa