Ano po ba dapat ko gawin sa anak ko na 6 na taon gulang lang.. Napakatigas ng ulo ayaw sumunod sakin, ndi pinakikinggan mga sinasabi ko.. Palagi pa nya sinasaktan kapatid nya bunso, pati mga kalaro nya.. Ndi kona alam kung saan ako ngkakamali nang pagpapalaki, para nko aatakihin sa puso sa twing nagdadabog o ngwawala sya kapav my bagay sya na ndi nakuha o ndi nsunod gusto nya.. Kaya mdlas po napapalo ko sya ng sobra.. Ndi kona po alam ggwin ko kaya desperada nko kaya lhat ng patungkol pagiging mgulang sinusubaybayan ko... Kung sino man po mkabasa nang post ko pkiadvice nmn po ako, mraming salamat po ang Godbless!

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mong kausapin ng masinsinan. Kasi kung hindi nag-work ang pagiging galit sa tono ng boses, try mo naman maging gentle. Tanungin mo kung bakit ayaw niyang mag-share, bakit siya nananakit - malamang kasi gusto niya siya lang ang bida. Pero be firm in your discipline. Kung nangagat siya o nakipag-away, punishment na yan - but hindi ko sina-suggest na palo agad. Puwedeng time out lang o no TV o kunin mo sa kanya yung toy na nilalaro niya. Ang importante maintindihan niya na may punishment tuwing nagmi-misbehave siya - at may reward kung nabe-behave naman siya. So kung mag-share siya ng toy, i-praise mo kagad ng "Ay ang bait-bait naman ng anak ko!" Kung mag misbehave naman, "Hay naku, anak, Mommy doesn't like that ha. Hindi yan mabuting gawain." So just remember: be firm in your discipline, be generous with your praises, at kausapin mo ng masinsinan anak mo para maintindihan mo kung bakit ganun ang behavior niya.

Magbasa pa
8y ago

marami slmat po sa advice..Godbless po

Sa tingin ko mommy kada ungot ni kuya kapag may gusto sya ay bigay agad. Doon po naguugat ang pagiging brat ng bata yung give in tayo ng give in sa demand nila hanggang sa ma-control nila tayo. It's not too late naman, maging firm ka lang sa decision mo na a no is a no. Magbaon ka lang po ng mahabang pasensya kase hindi ito overnight mangyayari.

Magbasa pa
8y ago

mraming salamat po sa advice mam..Godbless po

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-33632)