outer viginal itchy 🙄

Ano po ba ang pedeng ipanggamot sa makating epep mga momshie . Lagi naman ako nag huhugas kapag tapos umihi nagpapalit naman ako ng panty twice a day. Pero sobrang kati at ang baho pa talaga minsan. Pati po yung singit parang nagkakarashes na po. Ano kaya ang magandang gawen na ipang gamot para dito natatakot po kase ako kase 6 months na po akong buntis ehhh. Nahihirapan nako plss respect salamat

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iwasan mo Mommy matatamis at inom nang madaming water. Dapat maka 3L ka sa isang araw. Wag ka na din mag fem wash or once a day ka na lang mag fem wash, water water na lang. And make sure cotton gamit mo na panty. Nagka infection din ako at yun sinabi sakin ng ob ko.

5y ago

Yes po, inom din yakult pero mas prefer ko yung light yakult hehe. Niresetahan din ako ng cream po pero never kong inapply sa pempem ko 😅 Ngayon, hindi naman na makati. 1 week nang okay hehe