Hihingi po sana ako nang mga payo para iwas makunan 😢 bago lang po kasi ako nakunan at na raspa.
Ano po ba ang ini-inom ninyo na vitamins upang maging handa sa pag bubuntis? Or folic acid lang? Kasi na truama na ako. Ayaw ko nang makunan ulit pag mabuntis ako ulit.

I feel you miii. Been there. Dalawang beses ako nakunan, bago maging successful ang pregnancy ko. Thank God, may 4months old baby na ako ngayon. Ako kasi mii, nagpa alaga tlaga ako sa OB. Nagprivate OB ako, kasi gusto kong matuloy na talaga ang pinagbubuntis ko. Sinusunod ko lang lahat ng sinasabi ng doctor ko, tulad ng uminom ng mga vitamins, iwas sa mga stress, bed rest mga ganun. Tapos, kung kelangan mgpa labs, papa labs ako. Or need e ultrasound, ultarsound din ako. Tapos iwas ka sa stress mi, always think happy thoughts. Dapat mga positive lang ang aura mo ang vibe mo always. Wag ka mag isip ng nega. Tapos, eat healthy and pray ka lang always. Know that your feelings are valid miii. Ibibigay din yan ni Lord sayo. Ako dati, talgang napa question ako kay Lord kung bakit ganun, kasi nga twice ako nakunan. Yun pala, he is preparing me for something big and worth waiting. Pray ka lang lagi and you just have to trust him kung ano plano nya sayo.
Magbasa pa

