Food for 1st trimester

Ano na mga kinakain nyo mi. grabe kung ano pa masusustansyang pagkain yun pa yung naisusuka ko pero yung mga junkfoods,juices,softdrinks yun ang hinahanap hanap ng lalamunan at sikmura ko . minsan ayoko na lang kumain kasi nagalala nako kay baby pinipilit ko pero ultimo tubig sinusuka ko huhu sana matapos na ang 1st trimester na to 😌😌😌

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang hirap po. Hindi ako maselan sa pagkain pero after kumain, ayun na. Bibigat na yung pakiramdam tapos masusuka. Parang may bato sa loob ng sikmura ko. Pero iwas ako sa mga pagkain at inumin na nagppatrigger ng acid reflux ko. Tubig na malamig lang po naiinom ko. Pero kapag nasa labas naman ako at nakikikain kapag invited sa occasion, nakakain naman ako ng maayos at marami. Hindi naman bumibigat pakiramdam ng tyan ko o nasusuka.

Magbasa pa
6mo ago

Ako po first time ko po. At sa totoo lang po, sa mga naranasan ko eh ayaw ko na po ulit magbuntis. Grabe po ang hirap.

pag breakfast try nyo po oatmeal, minsan nag rrice ako ulam fried egg. Masustansya din po yung egg. Yogurt sa snacks, wheat bread, banana

Same here. Maski tubig, nakakadiri sa panglasa ko. Hirap po talaga pag first trimester.

6mo ago

sana matapos na huhu ang panget lagi ng panlasa ko di naman pwedeng hindi kumain kc need ko ng lakas dhl may 2yrs old pa ko