Sobrang selan sa pagkain 1st Trimester

Hello mommies! Kelan nawala ang selan nyo sa pagkain or paglilihi? Sobrang nahihirapan na po kasi ko kumain. Lagi ko lang naisusuka. 13weeks ko na po tomorrow.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

4months nawala paglilihi ko pero ung pagiging emotional ko hnd tlaga nawawala kahit asa second trimester nko sguro dahil nadin sa hormones. Nung asa first trimester palang ako. Madalang ako magsuka lalo na’t pag hnd ko gusto ung pagkain at amoy. Dun ako sumusuka, pero kahit na ganun kumakain padin ako for my baby. Suggestion ko syo mamsh if ever na lagi ka nagsusuka try mo magpa consult sa ob mo. Baka maya nagde dehydrate kana..

Magbasa pa

11 weeks po ako at sobrang selan din. Nangangasim at lagi ako suka ng suka. Halos pag kakain ko wala pang isang oras isusuka ko na kinain ko. Kahit tubig o pinag vivalyte ako ng OB ko, nasusuka ko din. Nag lalaway din ako at hirap makatulog. Sa tingin ko hina-heart burn din ako eh. Hirap na hirap din ako, 5 kilos na nawala sakin from 5weeks na nakapag pa check up ako.

Magbasa pa

Same here mommy, actually 21 weeks na ko pero may pag dududuwal padin, hoping din na maging mas maginhawa sa mga susunod na linggo o buwan. Ako pag ganyan mas bumabawe ako sa prutas saka madaming tubig, try mo din mag plain na biscuits like skyflakes , rebisco, or magic flakes. Saka don't forget your meds, matulog ng maaga and wag mastress masyado. ☺️

Magbasa pa

Siguro mga nasa 9 weeks na ako non isang buong linggo ko naranasan na feeling ko lantang gulay ako kakasuka. Bawat kainin o inumin ko sinusuka ko lang. Ultimo tubig kahit kaunti isusuka ko talaga. Pero ngayon eto okay na kain nako ng kain oras oras 😂 may mga amoy pa din na ayaw na ayaw ko. 18 weeks and 4 days preggy here 🙂

Magbasa pa
VIP Member

nung 2nd trimester ko (4 months) wala na ung paglilihi ko, pero ang alam ko momsh, masama ung lagi nasusuka, ask mo sa ob mo kc baka dehydrate ka and may irereseta sya sayong gamot para ma lessen ung pagsusuka mo, ganun kc cnb ng ob ko sken

3 months dapat wala na ang pag susuka, pero normal pa din naman yan kasi hindi lahat ng nag bubuntis ay parehas ng pagdadalang tao. Talagang minsan yung iba maselan ang pagbubuntis pero hindi ibig sabihin na hindi ito normal.

Same. Simula 6 weeks ako hanggang ngayon na mag 11 weeks na ko. Lagi nalang feeling nasusuka. Minsan gutom na gutom ako pero kapag nakaamoy na ng pagkain nawawalan na ng gana. Pinipilit ko nalang minsan kumain para kay baby.

ako din. ang selan selan ko sa pagkain, naduduwal ako sa kanin minsan ayaw ko kumaen kase nasusuka ako. sabi tuloy ni mister pumapayat ako. 😞😞

ganyan din ako ngayon after kain suka naman, kahit meds ko sinusuka ko☹️ hoping na maging maayos sa second trimester tayo mommy😊

Same tayo. Chocolate lang tlga and matatamis kayang tanggapin nmin ni baby aside from that sinusuka ko na :(