βœ•

14 Replies

Naiinis ako sa mga biyenan na ganito, kasi ganito din biyenan ko. Seaman asawa ko, bata pa lang iniwan na sila ng mama nya sumama sa kabit nagkaroon ng 5 anak, naiwan si mister at father in law ko, nagpursige si FIL hanggang makatapos si mister at ngayon nga naka sampa na.Tapos ngayon ang kapal lang talaga mukhang pera naghihingi ng pera sobrang demanding 15k ang gustong alote samantalang ako na asawa, 7k lang ? Ending ginawang 10k ni hubby, tapos 12k sa akin. Pangalawang sampa ni mister nag demand na naman ulit gustong 12k kasi kulang daw para sa panggatas ng mga anak niya, okey lang naman sa akin at first kaya lang inaaway kasi ako kaya naging malayo loob ko sa bruhang biyenan ko kaya ngayon na buntis ako, pang 3 sampa ni mister inaway ko talaga si mister sabi ko 4k lang sa nanay nya total kaya nga siya kumabit kasi mas mayaman yung kabet kesa dun sa FIL ko at wala syang obligasyon sa mga half sisters niya at unahin na needs namin ni baby kasi may binabayaran kaming sasakyan at malaki gastos sa check up ko. Gusto pa palaging sumama kung uuwi si mister hindi nag iisip na nagtitipid nga kami daming gastusin, kaya lang naman gustong sumama kasi puro shopping lang habol kakabwisit inaaway pa ako pag hindi nabilhan nga pasalubong, gusto pa talaga gold pucha hahaha ako nga grabe pag tititipid tapos itong bruha kong biyenan puro pabili lang, imagine kami pa pinagbayad ng bill nila sa kurynte na 5k tapos iiyak pa yan manghihingi ng 10k kada baba ni mister nakoo nangigigil talaga ako sa mga mukhang pera na biyenan hahaha leche. Pero ngayon na buntis ako, hindi na ako papayag talaga na umeksena yung biyenenan kong mukhang pera. 45 years old palang mother in law ko, sis in law ko naman teacher pero hingi din ng hingi, ang toxic ng pmilya ng asawa ko puro tamad bwisit. Kala siguro laki ng sahod ng asawa ko, jusko kung alam nyo lang

Minsang nakakawalang respeto talaga pag ganyan biyenan mo sis.

Dalawa kasi klase yan e. May MIL na di naten close at grabe humingi at umasa sa mga anak/asawa naten. May MIL na gusto na din magpahinga magwork alagaan mga apo at anak at kahit kaunting tulong lang galing sa mga anak ay okay na. For me sis, kung buhay pa MIL ko mas gugustuhin ng asawa ko na bigyan nalang mama niya kesa maghirap magwork kung tumatanda na which is okay lang saken kasi kung sakali man siya din magbantay sa baby namen para makapag work kameng dalawa atleast don makatulong kame sa mga families namen kahit pamilyado na kame. Kung ilagay naten sitwasyon naten diyan at yong mama naten ang ayaw na magwork mas gugustuhin ko na din sis, makakatulong sa pag aalaga kay baby at mabibigyan tayo ng pagkakataon magwork for them for the future din ayoko kasi nakikitang tumatanda sila na wala man lang maibigay. Mabait kasi saken family ng asawa ko kaya okay lang tumulong kame hanggat kaya. Sabi nga ng asawa ko 'mas okay ng tayo ang nagbibigay, kesa tayo ang humihingi'.

Okey din sakin un sis, kaso ayaw nmn nia magstay nlng sa bahay at alagaan ang apo nia at mkapag work din aq.

VIP Member

Ako ang opinyon ko, ever since pinili ng anak na magbuo ng sariling pamilya hindi na magulang nila ang first priority, don't get me wrong or misunderstood, yan kasi ang pangaral ng mama ko saming magkakapatid, pwede padin naman kami magbigay sa kanila ni papa ng tulong in every way we can but it wasn't our first obligation na daw from the day na nagsipag asawa kami ng iba kong kapatid. Pero kahit ganun kapag may sobra kami ng asawa ko sa budget, we still give sa kanila ni papa lalo na nasa junior high pa ang bunso naming kapatid, we even help my baby bro sa mga projects, field trips and other bayarin sa school. Pero hindi yun inuobliga samin nila mama, kusang loob bilang anak at kapatid. 😊😊 And and sarap sa feeling kapag nakikita ko silang happy kahit sa simpleng tulong ko sa bunso namin.

This is just my opinion.. cgro wla nmn problema kng bgyan din ng husband mo un mother nya. Ksi mother nya un e. Kumbaga, we are all parents here mhrap nmn yra pg tau tumanda at gusto ndin natin mag retire mhrap nmn sbhn sa atin ng snak ntn na ndi bata koa dpt mag work kpa din. Dba parang ang pangit pakinggan. Mhrap mging parents alm ntn un emotionally at physically stress ka so sympre mgnda kht pno suklian nmn ntn parents ntn sa sacrifices nla sa atin. Ksi we as a parents din gusto ntn pag mlki na mga anak ntn suklian din dpt nla un sacrifices natin. Mli man un cnbe nya gusto nya nlng tumambay at mkipg chismisan hyaan nlng ntn un.

Oo nga okey lang nmn, hinahayaan q n nga lang cla magusap ng anak nia, kaso ung tatawagin p aq para sabihin un na tumigil n daw xia mag work at makipagchismisan at huminge nlng sa anak nia tuwing sahod ano daw isasagot q.t minsan cnsabi p ung mga utang nia bahala n daw ang mga.buhay magbayad. Pag xia eh nawala na..

Wala naman problema tumulong sa magulang kahit may pamilya ka na pero lagyan niyo ng limit at dapat kung ano lang ang sobra, yun lang ang ibigay niyo sa kanya. Kayo pa rin ang priority ng asawa mo hindi si byanan. Kausapin mo asawa mo regarding that kasi pera yan, baka jan pa kayo mag away kalaunan. Saka momsh, big NO sakin ang tumira malapit na malapit sa byanan πŸ˜… swerte ko kasi ung aken nasa Switzerland so ayun, sobrang layo nila. Saka ang mga byanan ko masipag magwork eh kami pa nga binibigyan.

In my opinion. Okay lang po sakin if sabihin ni mother in law yun even if we have our own family as long as my partner will not abandoned his own family. Maybe she is tired of working for a very long time and time for her to rest and enjoy the life. 😊

Yun lang. Hirap kasi magcomment lalo na wala naman ako sa pwesto mo and ni MIL kaya maybe just give at least understanding na lang po siguro. Dadating din tayo sa time na somehow someday baka maging ganun din tayo sa anak natin. 😊

I don’t think matutuwa ako, lalo na’t malakas pa siya at may kayang mag trabaho. Kasi yung husband ko, β€˜di papayag na ganyan lang. Different scenario yung MIL ko gusto makitira saamin pero ayaw ni hubby hanggat kaya pa ni MIL magtrabaho at mag-renta.

Sabihin mo sa byanan mo edi wow sia! Ano akala nia sa mga anak nia wala mga sarili Pamilya na mas kelangan tustusan? Sabihin mo wala siang karapatang magretiro muna dahil Bata pa sia at mas malakas pa sa kalabaw. Tska na kamo pag uugud ugud kana yan sabihin mo.

Lagi lang aq nananahimik pero nkaimik tlga aq nun ang sabi q cgeh aq din makikipagchismisan at isasarado q tindahan ko kz my tindhan aq at magpapabuntis nlng aq ng magpabuntis sa anak nia at lagi nlng aq magpapalaba, hindi xia nkaimik at umalis n aq agad kz nagluluto aq tinwag nia lang aq para don kz bago sahod asawa q pati xia same lang nmn ang pinapasukan nila. Minsan kz iba magsalita xia eh..

Okay lang tumulong ang mga anak sa magulang nila, pero dapat kayo ng pamilya mo ang priority. Need ma explain ng asawa mo kay MIL na kasal na kayo, bukod na kayo, may sarili na kayong pamilya.

Okay lang naman po yan, kasi kahit papanono oldies na din si MIL, you'll see it in a different way kapag dimo talaga bet yung tao...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles