crib
Ano mas magandang crib mga sizt? Kahoy or yung nabibili sa mall na parang plastic/metal??
Ung sa lo ko playpen na crib pero mas mganda kung ung wooden bblin mo mamsh kasi ung sa lo ko hndi wooden ayun umiiyak sia oag nlalagay dun ksi mainit at hndi masyado nhhnginan ng electricfan since medyo kulob sia unlike ng wooden crib, tas ang laki pa ng sakop ng space
base sa experience ko sa mga pamangkin ko both nag crib yung isa plastic yung isa wooden ,prefer ko wooden kasi mabilis lalakas mga buto ni baby kapag tatayo siya sa crib kapag sa plastic or made sa tela nahihirapan tumayo c baby mahina mga tuhod niya
Mas maganda kahoy sis. Tested na. Ung playpen ni lo na di kahoy ayaw nya mas bet nya kahoy kasi mas presko.. Sapinan mo nalang lalo pag malaki na si lo may tendency kasi na maiipit sya sa mga gilid gilid ng kahky na crib
Pag dating sa tibay. Wooden crib talaga pero para sa safety ng anak mas okay yung isa. Yun nga lang parang pang toddler na kasi yung ganung klase ng crib. Maski ako mas prefer ko wooden crib.
My baby has both. Mas comfortable siya sa wooden. Mas mababaw siya kaya abot na abot ng fan, madali din siyang palitan ng diaper saka buhatin pag sa wooden.
For me pack n play too! I have both pero mas bet ko lang ung playpen mas malambot kahit magpagulong gulong sya and madali bitbitin pag nagout of town 😂
mas maganda po kahoy, lalo kulay puti an kulay kasi di dapuin or puntahan ng lamok. yung sa mall n nabili ko kasi itim lng kulay n pahpilian
kahoy po.. hm kung ganyan kababa lang naman di masyadong strain sa likod ng mommy pag kinuha mo unlike sa malalim na crib
mas gusto ko wooden. Pero yung MIL ko namili sa mall ng modern crib. Yung giant carrier ang brand. ok naman, mukhang matibay.
Playpen po. Mga pamangkin ko kasi nagagamit nila yan 4 years old na yung panganay. 😊 Dyan na din sila naglalaro madalas.