Chating is cheating?

Ano gagawin nyo kung ung lip nyo simula nung nabuntis kayo ay nahuli mong my kchat at tawagan nila baby. Hindi lang once, 3 times ko ata sya nahuli pero iba nanaman babae kasi pinablock ko ung girl. Then ngayon na 1 month na si baby, accidentally ko naman nakita sa phone nya may baby na tawagan sila at pinalitan nya pa name ng girl sa message para nd daw ako magduda. Wala na kong masabi . Tumahimik nalang ako nung nakita ko at umiyak at sabi nya wala lang yun kasi never naman sila nagmeet. Message lang naman daw. Pano po kung sobrang maalaga po sya sakin, sa pamilya ko. Pero ung problema may kchat sya na tawagan nila baby. Chat lang daw un. Nd pa sila nagmemeet. At wala daw sya balak imeet. Nbobored lang daw sya minsan. Huhu sabi nya inistop nya na nung march pa. Pang apat na babae na ata un ung nahuli ko may kchat sya tawagan nila baby ? Yan po ung sinend ko sa kanya. Nasa labas sya kaya chinat ko nalang. Naiiyak kasi ako pag personal ko pa sinabi

Chating is cheating?
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mambabae siya o hindi, dapat transparent kayo sa isa't isa.. kasal man kayo sa hindi, basta nagsama at bumuo na kayo ng pamilya, mag asawa na kayo. iisa na kayo, oo, kailangan nyo ng time para sa mga sarili nyo kung minsan pero hindi nyo kailangan ng privacy sa isat isa. kung transparent kayo, it simply shows na loyal kayo sa relasyon nyo at walang kailangan itago. Well, mas maonam na kausapin mo po ang partner mo sa mahinahong paraan.. hindi paghihiwalay ang kasagutan, kundi pag ayos at paghanap ng solusyon sa kung ano ang problema.. aalang malisya po, pero maging malandi po kayo sa inyong asawa.. ibig ko pong sabihin, mas lambingin nyo pa, mas maging maasikaso at mas mahing mahinahon..hindi po ok ang masyadong mapride. ipagdasal nyo rin po..

Magbasa pa