STRESS kay Kapitbahay.
Ano Gagawin mo Kung Sayo toh nangyare? May Maipagmamalaki kasi akong Kapitbahay sa Sobrang Kakapalan ng Muka. Awardee na siya Kumbaga, bakit ko nasabi yan? Pano ba naman kasi, Halos Lahat na ata ng gamit namin Nahiram na niya eh, Washing machine, Dryer, Barena, Timba, Planggana, Tingting, Duskpan, Kalakay, Kahit damit! Nakakainis pa dun wala pang balikan. Kung di mo pa kunin sa kanila, di mababalik sayo 🤦Eto pa.. Pag May gamit sila na luma, Isasanla nila or ibebenta. Pero dahil Mabait asawa't biyenan ko. Sige Tanggap sila kahit sirang electricfan na Ang Ibenta sa kanila makatulong lang sa kaniya dahil lagi niya po kinakatwiran na Wala Pa sila KAIN! Walo po Anak niya, Malalaki na Bout' 16yrs.old pataas yung apat, 8yrs. below naman yung tatlo tas isang 1yr old. Pag Nanghihingi po yun ng Kanin or ulam, Nagbibigay naman po Kame, O Kahit Pang Diaper lang ng Baby Niya. Wala samin kung Ganun. Tagal na po siya Ganun samin Pero Di ko po Pinupuna, Kahit minsan, Dagdag Stress Dahil Pupunta siya sa Bahay Para Magkwento ng Puro sama ng Loob at problema, Syempre Anjan na At Dadamayan mo. Kaibigan kami Kung makitungo sa kanya. Pero Now Po Kasi, Sumobra na siya sa Limit mga Mamshiiiieees! Almost Everyday Na siya Pumupunta sa Bahay, Dinadaan niya po kame sa Chismis niya Tas, Pasimple Buraot ng Kape or Kung ano po makita niya sa Groceries namin na puro biscuit (Binili ko po yun for my baby saka para po sa mga maliliit kong pamangkin para di napo sila sa labas bumili). Halos Everyday Na po siya Kumukuha, Napansin ko na den na Di na Nagpapaalam Basta nalang Kumukuha. Na feel At Home siya eh, Pag may okasyon, Kahit alam niya na ayaw sa kaniya ng Father in law ko , Andun parin Po siya, Kahit Mismong Birthday ni Papa andun siya alam naman niya di siya gusto ng tao. Pero Deadma Parin Po kami. Kahit Tatlong balot nalang ng Biscuits natira para sa mga bata. Kaya nagsabi na ko, "Nahiya ka pa? bat di mo na Dalhin Lahat?!", "Binili Talaga namin yan para sayo!". Buntis po ako eh, Kaya Mababa Temper ko that time. Di niya inasahan na Magsasalita ako ng Ganun. Lumipas Mga Ilang linggo di siya Pumupunta sa bahay. Yun pala Sa Mother in law ko na nangungutang. Senior na Biyenan ko, Magkakapera man yan, Bigay ng mga Anak niya or Sa Pension. Minsan Di na namin pinapaggastos, Dinadalhan nalang namin ng Makakain. Ganun paraan namin para di maubos Pera ng biyenan ko. Pero Dun na siya Nanghihiram at Minsan Pa di nababayaran. Nalaman Ko Yun pero Wala ako sa Lugar para magsalita. Nagsabi lang ako sa asawa ko para masabihan ang mama niya. Pero Eto talaga Dito na ko napuno.. Pumunta Biyenan ko samin Para Manghiram ng 2k, Tinanong ng asawa ko para saan dahil di talaga nanghihiram samin si Mama (biyenan ko po). Nasabi niya na Rush daw dahil May Dumating na Parcel daw Sa Shopee etong Si Makapal kong Kapitbahay 😤 Wala daw mahiraman! Binigyan naman ng asawa ko pero 1.3k lang dahil wala pa sahod. At Pinigilan ako sa Pwede ko Sabihin, Ayaw niya magpadala na naman ako sa Inis dahil baka mapasama pagbubuntis ko. Ako naman Ayaw ko na talaga magpahiram Dahil Abusado na siya. Palaging nanghihiram saamin yun Nang wala ng balikan. Naawa ako sa Biyenan ko dahil siya naman Inaabuso. Kilala ko kasi Babae na yun , Namimilit talaga kaya Napilitan siguro si mama. Di pa nakuntento Sa 1.3k, Kami na sinadya niya para makahiram siya ng kulang. Sinabi na ng asawa ko na wala na mapahiram, Namimilit pa mga Mamshiieee ! Wala daw talaga kasi siya mahiraman. Nakikinig lang ako sa Usapan. Nung Nakita ko na Magbibigay na ng 700 Asawa ko, Pinigilan ko na. "Yan na may 1.3k na! Bat Parang Nangsasaid pa siya?" sabi ko sa asawa ko. Sumabat yung Bruha, Wag daw ako mag alala pagdating daw asawa niya ibalik daw agad. Kinabukasan Di naman Ganun nangyare, lumipas pa ilang araw , Parang Wala na sa kaniya yung inis ko sa kanya Nung Makaraan araw. Nginitian niya ko at sinabe Sa Isang linggo pa daw niya mababayaran ng Buo , Di ko sya siningil, pero kusa siyang nagbigay ng 500. Dahil di rin naman ako ang nagpautang kundi asawa ko at inis ako sa kaniya kaya di ko pinapansin. Wag Na daw ako magalit Bawal daw sa Buntis Yun. Di ko Talaga Pinansin Kahit yung Pera. Iniwan Ko siya. Malaman Laman Ko Na Ganito na ko sa Iba namin kapitbahay, 'Kesyo Madamot eh sa asawa ko naman daw ang pera at kung tutuusin daw eh Nung wala daw ako , Welcome na Welcome daw siya sa bahay ng wala daw siya naririnig'. Mga Mamshiiee! Gigil ako, pero di ako sumugod Inantay ko siya pumunta sa Bahay! Sakto Sa Asawa ko siya magbabayad! Di ko na Pinapasok sa bahay mamshiiee !!!! Prinangka ko na siya ! Pinamuka Ko lang Naman sa kanya Kung ganu kakapal pagmumuka niya. Nagbibigay Kami di para sakaniya Kundi para sa mga anak niya na wala daw siya mapakain !! Inabuso Niya na nga kami, Ganun Niya pa kami Ikwento sa iba ?! Grabe Galit ko mamshiiee ! At subukan Niya Iyapak Paa niya sa Bahay kahit pigilan ako ng asawa ko Kaladkarin siya, Baka Masuntok ko pa asawa ko ! So .. Ayun Pinaabot niya sa Barangay nangyare, Di niya alam siya tong Naninira, Tanga Tanga! Thankful Pa ko sa kaniya Dinala niya ko sa Barangay, Pinadali niya Siya tuloy Na Blutter ko, Sinabi ko lang Naman sa barangay Yung mga utang na di nabayaran. At mga pinagsasabi niya, Kahit asawa ko Nabigla sa nalaman. Ayun ! After ng Ratratan. pinalista samin mga babayarin niya At NaSa Pinirmahan namin at ng barangay staff, na sa Loob ng Isang Taon Dapat Mabayaran Niya Yung mga Utang Na di Nabayaran. Nagawa Niya pa ko Patulan Kahit Buntis ako, Kung ano man Sinabe ko, Karapatan Ko yun Dahil sa Inabuso niya kame. Gusto pa sana niya makipagkasundo na Gawin 2taon dahil di niya daw Kakayanin, Papayag na sana asawa ko para matapos na, Di ako Pumayag, kinalahati nalang Kasi Yung utang na babayarin niya! 12,990 Ang nakwenta , Malaki Laki kaya Naisip namin na Ikalahati nalang tutal Di naman talaga Namin planu na Pabayaran Pa, Pero siya nagpalaki ng gulo, Kung natuto siyang magpakumbaba at Bawasan kakapalan ng pagmumuka niya. Kung nagpaumanhin man lang siya edi sana Di Umabot sa Sukdulan Galit ko sa kaniya?! Ehh wala Siya pa nagpabarangay eh. Makapal Talaga muka Guys.. kahit na Sarcastic na SORRY wala po ko natanggap. Kahit nasa Barangay na kami Kunwari pa siya Sumasakit ulo, Nuh yon ? mas sensitive siya kesa sa Buntis??? Kaya Kung ikaw Sayo toh mangyare Ano pa Pede mo Sabihin at gawin sa Ganitong klaseng Tao?