101 Replies
nag paka bakla tipong sweldo ko one time gastusan sa kanya...tapos nag wowork ako siya nag aaral sa may bandang legarda pag sinabi niyang sunduin mo siya kelangan sunduin mo kasi mag aaway kayo so si ako naman nasa work place na gagawa ng dahilan para mapauwi kahit i awol nila ako keri lang...tapps my times din na ung date niyo dapat isasama tropa niya at akala mo siya mag babayad para mag sabi sky is the limit π...first boyfriend ko pala siya guys at nag hiwalay kami sa paraang nakaka loka...pinapunta niya ako sa school niya tapos nung labasan na nila habang palapit saakin nakatitig at nakangiti may kaakbay siyang babae, pinakilala niya gf daw niya ππ€£ syempre ako akala ko joke pero bigla niya hinalikan sa harap ko..dahil sa shock isinama nila ako nung gf niya sa mall kumanta kami sa private booth ba un malapit sa school nila habang ako ay umiiyak sila ay sweet naging 3rd wheel ako ng unggoy..by the way since student sila ako din gumastos ππ€£ sabay kami umuwi after maihatid ung gf niya sa sakayan tahimik lang ako hangang sa pag baba namin ng jeep nag makaawa ako wag iwan ππ pag naalala ko yun natatawa ako at nang gigigil ang pangit pala niya as in mukha pala talaga siyang unggoy pero kinabaliwan ko pakiramdam ko na budol ako ππ€£ ang hilig niya pabili ng mamahaling gamit, sa mga date ako lagi nag babayad, pag nag aaway kami ako dapat nag aadjust kasi mabigat kamay niya lagi nananakit, yung cp niya na binibigay ko disposable swerte kung tumagal ng 6 months kasi kada away namin ibabato niya pag okay na kayo ulit dadramahan ka wala na kayo contact ππ nung tuluyan na kami nag kanya kanya na balitaan ko na di siya naka graduate ng collage kasi nag loko pero ang sabi niya kasalanan ko...nung naka buntis siya may sarili na ako pamilya ung gf niya ako kinukulit kasi tinataguan daw siya...nung kinausap ko ex ko naka buntis siya ako parin may kasalanan πππ ang sarap murahin di ba kaso bad yun
Lumaban ako dahil nung una ayaw sakin ng mama nya. kesyo may manok sya para sa anak nya, lumaban ako kahit nanghihina na sya dahil gisang gisa sya sa bahay nila dahil sakin, pinakita ko sa kanila na di porket mas may kaya sila samen akala nila kaya ko di mabitawan anak nila (fyi sa knila, kung salbahe ako pde ako magsalita na, mula naging mag jowa kami ng anak nyo mas may pera ko jan kase madiskarte ako, sya na nahihiya sakin kaya yan nagkaganyan (nakakupit sya sa ate nya para ma idate ako at maregaluhan) tho alam nyang di ako materialistic na tao) dahil sa kupit na yon, inisipan nila ko na ginagamit anak nila para sa wants ko. hahahaa for all they know kaya ako pinag tatanggol non ng bf/asawa ko na ngayon, dahil malinis kunsensya at intensyon ko,. ayun humarap ako sa knila nung sinabi na pumunta ko kasi baliw daw sakin kapatid nila anung kalokohan daw pinag gagawa namin π (napaka judgemental nila saken) tapos un, sinabi tlga ng nanay nya ayaw nya sakin, (di ko dinibdib yon. katwiran ko kase d nmn ikaw karelasyon ko, opinion mo yan edi ok) tpos nakatapos na kami pag aaral nag call center ako, anak nya di pa makahanap ng work, tas mahabang kwento, nagsama na kami, ayun wala na sila nagawa π. Hanggang sa nakilala na nila ko maigi. Pinamuka ko sa knila na kung di ko tlga mahal anak nila una palang na ginaganon nila ko hiniwalayan ko na yan. ayun. ngayon bilib sila saken kase madiskarte ako, at maasikaso sa anak nila/kapatid nila. Di din ako maluhong tao, binibili ko lang ung kelangan, kung may bibilihin akong wants ko lang pera ko yon. π kaya wala sila masasabe sakin. pero now na asawa ko na sya syempre nasamin nayon. kung binibigyan nya ko pang wants ko mnsan tinatanggihan ko pero mnsan tinatanggap ko kase nag tatampo naman sya,
Yung sumama ako sa Manila para suportahan siya sa pangarap niya (bf/gf palang kami nun, 20 years old) kasi mismong family niya, sinasabihan siya na sobrang tayog daw ng pangarap niya, wag daw siya masyado mangarap kasi impossible na matupad niya dreams niya, tinakwil siya kasi daw nag tanan kami (pano naging tanan kung nasa Cavite ako at sa Makati siya haha). Nag work sa greenwich si bf, naging server, nag utility sa company na walang kahit pisong allowance, ako lahat nag shoulder sa pamasahe at food niya (makati siya, cavite ako at private teacher ako nun kaya ko siya na suportahan financially) at ngayon, chef cook na Hubby ko sa barko kaka promote lang,( pinakasalan niya ako after matapos ang 9 months niyang kontrata) malaki sahod, may sasakyan, may bahay. Natatawa ako kasi dati kung iisipin ko, parang against all odds relasyon nami ni mister, ang daming nag sabi na bobo daw ako kasi sumama ako sa hubby ko sa manila, pinagpalit ko buhay ko na maganda dito imbes may item na DepEd, hindi ko tinanggap kasi that time nasa Manila na ako nung tumawag ang head ng DepEd at sumama sa kanya pero look at us now, ang worth it lang lahat. Tapos ang family ni hubby ngayon, parang mga aso habol ng habol sa amin para humingi ng pera pero dati, ang daming masasakit na salita na narinig namin sa FB at sa ibang tao. Haay buhay nga naman βΊοΈ
Nung time na nagkalabuan kami ng LIP ko noon, ung fb friend ko nun nireto nya ung ate nya sa bf ko para ligawan without me knowing it later on naging mag on ang ate nya at bf ko worst pati ung fb friend ko na un naging sila rin kumbaga silang magkapatid para gawing sponsor ng load bf ko. Kahit nung nalaman ko un d ko magawang iwan bf ko ung kahit nagkakausap sila sa cp nung babae nakayakap pa rin ako sknya habang umiiyak rinig na rinig ko usapan nila pero ayun nanatili ako sa side nya. Nagkasakit bf ko nun, ako tumutulong sa knya sinasamahan ko sya sa check ups nun kahit na ako kasama nya ka chat pa rin nya sila, kahit may sakit na sya, sila pa rin ang nasa isip nyang pansinin samantalang ako parang inutusan lang na mag alaga. Umabot ako sa puntong nakitira na ako sa knila para maasikaso ko sya. Gabi gabi ko sya nun iniiyakan pero kumapit ako dahil na rin sa mama nya, ayaw ng mama nya dun sa mga babae nya dahil alam ng mama nya na ilang taon na rin kaming mag bf/gf. Sooner na realize rin ng bf ko ung worth ko and after 2 years, ngaun may baby na kami 6 months old na. Nagpaka tanga ako and worth it naman nagkaroon ako ng anghel na sobrang mahal ko My PCOS baby kung saka sakaling gawin ulit ng lip ko un d na ako magpapakatanga pa ulit, may magmamahal naman na sakin ng buo at totoo ung walang kahati ππ
Yung tinanggap ko dati yung lalaking akala ko,para sa akin.sabi niya,iniwanan daw siya ng asawa niya.naawa naman ako kaya pinatira ko siya sa apartment ko.umalis siya sa trabaho.kaya ako lahat gumagastos.renta sa apartment,tubig,kuryente,may wifi pa.naglive in kami hanggang mabuntis ako.tapos isang araw,pumunta kami sa mall nun.bigla nalang may babaeng ngbubunganga at eskandalo sa bf ko nun.hanggang ending,kmi ang nagkasabunutan!snsbi nung babae na may anak daw sila ng bf ko.hindi ko maintindihan.hanggang pinaghiwalay ng security at nauna ako sa apartment.iyak ako ng iyak.naiwan ng bf ko nun ung phone niya.at binuksan ko.dun ko nabasa lahat.ung babae pla sa mall na nkaaway ko nun,ay isa ding dating babae ng bf ko at may anak sila.galit na galit ako nun sa knya.humingi siya ng tawad at pinaniwalaan ko nnmn siya.pagktpos nun,hndi ako mapakali at pakiramdam ko,may tinatago parin bf ko nun.hanggang sa araw araw na kmi ngaaway.hanggang bglang isang araw,iniwan niya nalang ako.at nlman ko sa mga kaibigan niya na hndi sya pinalayas ng ex wife niya at iniwanan niya lang pla hbng buntis din.ginawa nya sa ex wife niya,gnawa niya din dun sa pangalawang babae,at ginawa niya rin sakin.sovrang katangahan.ang mganda lang na biyaya ay ang baby girl ko na solo ko pinapalaki ngayon.
SHARE ko lang po. Yung malaki na ang melon ko(8mos.pregnant) tapos dis oras ng gabi nagsundo sa asawa kong nakibirthday sa katrabaho. hindi sumusunod sa curfew naminπππ ang sabi niya 11pm bahay na siya, ang ending ala -una na wala pang balak umuwi. mag isa lang ako sa bahay at buntis. Takang taka siya kung paano ko nalaman ang bahay ng may birthdayπππ Dahil yun sa pag-ibig sa magiging anak koπππ baka makalimot asawa ko dahil buntis ako, at mabuyo sa iba, mahirap na!πͺπͺπͺ Kung di lang ako buntis nun, Pinalayas ko na yun! π€π€π€ Good thing, Nagbagong buhay na. 3 years nang Good boy.. Nadala sa panalangin at bible verses. Sabi ko sa kanya, "My dear," (TAKE NOTE, nag aaway kami sa lagay na yanπππ) " sabi sa bible, Husband,love your wife... Wife, submit to your husband..... yung submission, hindi nangangahulugan na under ako sayo, it means, willingness to follow, eh willing naman ako sumunod sayo. Pero ikaw, paano mo masasabi, you love your wife, kung lagi nalang akong nangungunsumisyon sayo? " ayun,natauhan siguro! words of God na yung tumulong sakinπππ
Noong highschool pa lang ako. Nainlove ako sa isang tao. As in talaga yung tipo makita ko lang pic niya nakasmile nako. One day nanligaw siya. And syempre gusto ko hindi ako nag inarte. E sakto naman non patapos na school year. Yung last meet namin nag gala kami. As in buo araw kase alam ng parents ko nagpapaclearance ako(tapos na nun ako nakapag paclearance so nag gala nalang ako) tas nag punta kami sa cousin niya. Sa park. Cemetery kasama iba pa naming prens. Tas kinabukasan wala na. Ni text or call. Dikona din siya nakita. Kaya ginawa ko parang timang na gagawin yung lahat makasilip lang sa bahay nila haha yung kahit di naman talaga kami dadaan sakanila pinipilit ko hahaha tas hangga sa nasanay ako nakapag move on ako. After 4 years nagkita kami. Naging close ulit at naging kame nanaman haha umabot kami ng 4 years. Pero nag hiwalay din. Baka di nga talaga kami sa isa't isa. Kaya tinanggap kona. At dun kona nakilala asawa ko ngayon. And masaya ako sakanya. Okay kami. Mabait din kase siga
Mas pinili ko siya kaysa sa pag aaral ko .... Ginive up ko lahat para sakanya ... Kahit 20 years age gap namin may 2 anak na siya hiwalay na sila ng asawa niya 13 years na tinanggap ko lahat lahat pati masasakit na salita ng family ko .... sinalo ko lahat para lang sakanya .... kahit andaming nagsasabi na babaero yan kaya nga sila naghiwalay ng asawa niya kesyo ganyan ganito... tinanggap ko pa din siya kasi alam ko naman sa sarili ko na may mga flaws din ako .....inisip ko nalang siguro nagbago na siya ... legal na kami both sides nakilala ko na din mga anak niya .... hanggang sa nabuntis ako ...okay pa naman kami until 3 nung 3 months na tummy ko nahuli ko siya na may ka chat .... and nadala ako ng emosyon ko galit agad pinairal ko nakipaghiwalay ako ....... And hanggang ngayon na turning 7 months na tummy ko wala na akong naririnig sakanya ni Ha ni Ho .... and nalaamn ko nalang last week may girlfriend na siya so i decided to move on ... hayy buhay
π’
Ung fubu ko, 2years kami. Sabi namin walang maiinlove. Pero nainlove ako. Sakanya lang ako nainlove ng sobra sa buong buhay ko. Kahit tatay ng anak ko never ko minahal ng ganon. Iniimagine ko na ikakasal kami kasi akala ko mahal nadin nya ko. Pinaramdam nya sakin ung talagang trato sa isang gf. Pero best friend lang pala tingin nya sakin. Lol. Naglaslas ako sa pulso nung di sya nagtxt sakin ng isang araw. Halos araw araw kasi kami magkatext. Kahit pagpasok at pag-out nya sa work sinasabi nya sakin. Iniisip ko may iba na syang nameet. Aun. Nilayo ko na sarili ko dahil sobrang baliw na ko sakanya. Nag Baguio pa kami nun. Umiiyak na ko dun kasi plano ko na talaga sya layuan pagkabalik namin manila. Aun. 5mos din ako nagpakabusy sa work.. No contact at all Block sa fb, nagpalit ako simcard. Ngayon, may boyfriend na ko..sobrang mahal ko at mahal din ako. Di ko akalain makakawala ako dun sa fubu ko. Sobrang sakit ng di ka mahal ng mahal mo. Haha.
May kalive in ako dati nung 2010-2012 pero umamin sya na may iba na sya nagugustuhan kawork nya, ramdam ko un kea pinilit ko sya paaminin.. umamin sya tapos un nga cnbi nya maghiwalay nalang kami se gusto nya ligawan masakit pero pumayag ako pero sabi ko magstay muna sya dun samin se dun kami nakatira sa parents ko wala dn kami anak.. dun ko muna sya pinatira se ayoko magalit family ko sknya at baka maayos pa namin. So un dun pdin sya samin natira at nagpapaalam pa sya saken paghahatid sundo nya c girl masakit panay iyak ako pero wala magawa.. may time na di sya uuwi se may inuman sila ng mga kawork nya at kasama dn c girl dun.. pinapayagan ko at hinahayaan kahit masakit.. pero dumating sa puntong nagdesisyon na ko inimpake ko gamit nya at hinatid sa bahay ng parents nya tas tinext ko nlng sya na dun na sya umuwi.. kalaunan sya naman nagmamakaawa pero d ko na sya tinaggap se ayaw na ng family ko at ayaw ko ndin
Danielle Claire Garcia-Magsombol