53 Replies
For me, both naman is ok. Kami ni hubby ko 9 months lang magkakilala nagkababy na po kami, then after 2 months nagpakasal na po kami. Wala naman ako pinagsisisihan kase sobrang mahal na mahal ako ng asawa ko at ganun din po ako. 😍
Yes po kasal muna bago magka-baby. Kilalanin muna nila ang sarili ng bawat isa. Almost 8 years bago kami magpakasal ng asawa ko. And so far ok naman ang pagsasama namin. Happy kami both. 💖💖💖💖💖
sa panahon naun nauuna ang baby bago ang kasal although importante ang kasal pero mas maganda kilalanin muna ung lalaking makakasama mo sa altar since may mga lalaki na nananakit ng babae at nang iiwan sa ere
mas pabor ako sa kasal muna. kaya lang yung opposite nangyari sa akin. nagpakasal kami nitong jan. 14 at lumabas si baby nito lang din january 15... buti hinintay n baby makasal kami ng papa nya 🤣🤣🤣
Depende kung un ung plan n lord sau. Pero un talaga ang ideal. Kmi ng hubby ko 3 months akong preggy bago kmi nagpa civil tpos after 5 years nag renew kami ng vows sa church. Depende sa inyo mag asawa yan.
Mas importante para sakin Ang magpakasal muna bago nagkaroon ng baby .. in the first place ganyan Naman tlga dapat .. ngaun lng nman nauso ung nauna baby bago kasal and ung mga nag lilive in ..
Mas maganda po na kasal muna before baby. Hindi dahil ito yung nakamulatan natin, mas masarap sa feeling na dumaan tayo sa tamang proseso walang worries tayo mararamdaman.
For me importante pa rin ang kasal muna bago mag baby but nay mga bagay talaga na di natin inaasahan kaya ok lang din naman kung mauuna si baby as long as nag mamahalan yung parents.
Mas maganda lang tignan pero hinde naman importante talaga. Pwede din naman after magkababy, di na kasi big deal un sa panahon ngaun actually.
Kasal muna. Considered illegitimate ang bata if born ng hindi pa kasal ang magulang. Kawawa naman ang bata. Pero nasa pagsasama pa din yan.
Anonymous