Kasal bago magka-baby...
Ano ang opinyon niyo dito, moms and dads? Importante ba na ikasal muna bago magkaroon ng baby? Ipahayag ang opinyon sa comments!
Sa aking opinyon, mas mabuti ang ikasal muna bago magkaanak. Wala ng mahabang paliwanag dahil yun naman talaga ang tama.
Baby muna bago kasal kasi kapg may anak na tsaka lumalabas yung tunay na ugali kung kelan pagod at stress para sakin lang naman
mas ok naman talaga ikasal muna pero mas ok din na mas makilala mo muna partner mo bago ikasal mahirap magsisi sa bandang huli
ohh dba yun ang tama lahat naman ng babae pangarap yan
Live in much better pra makilala nya lubos isat isa mhrap na magsisi sa huli ang bata dn ang maapektuhan
Pangarap ko din po eh kasal kaso kapos nga rin po sa pera. 😢 Tapos magdadalawa na baby namin. 💖
Live in muna for me. Hehe. Pero kami ni hubby kasi nag ka baby muna bgo ikasal then nag live in mna
No. Mas maganda nga kung mag sma muna para makilala nyo ang isat isa. ang kasal sagrado yan
Sa akin lang kasal muna ang sarap ng feeling if mabait din naman mapapngasawa mo hehe .
Sameng mag asawa? Nauna c baby bago kasal nasa mag asawa nman po yan db 😅
Yup. Kasalanan ang pre-marital sex, aminin man natin o hindi we know that.
Mum of 1 sunny junior