Ano ang masasabi nyo sa sitwasyon ko ngayon? Buntis ako 4months na tapos yung partner ko plano nya at gusto naman rin sa pamilya na pupunta sya sa Dubai para babantayin yung pamangkin nya kasi yung Ate nya kakaanak pa rin 2months na yung baby. Tapos ako maiwan dito sa Cebu. On January na yung nakaset na pupunta na sila. Tapos takot ako kasi gusto ko nandyan sya hanggat sa pagpanganganak ko tapos walang sigurado kung makakauwi sya on April na due date ko. Sabi nya mas makasusuporta daw sya kapag nasa Dubai sya. Pero walang nami seguridad na nandyan sya sa tabi ko kapag manganganak na ako. Nalilito ako if I will let him? :( Pero ayaw ko talaga.
Ano po ang masasabi nyo? Malaking tulong na po ang advice nyo. Salamat