Delayed...
Ano ang initial reaksyon mo tuwing nade-delay ang period mo? I-comment ang sagot gamit ang emojis!
Ask ko lang po...kasi last na nag ka period po ehh november 17 to 21 2019 ...nag taka po ako nun time na yun kasi pag ako nag kakaroon inaabot po ako ng 7days and the next month of december 2019 dina po ako nagkaroon ng regla hanggang sa naisip ko po na baka delay lang ako pero hindi eii Month of May na ngayon halos 6 months na po ako di nagkakaroon now at may nararamdaman akong parang nagalaw sa tyan ko d pa po kc ako nakakapag pa check up kaya i dont know if im really preggy...pero nung nag research po ako sa google may iba daw po ganito ang nararamdaman may nagalaw kahit d buntis ...tapos ngayong May 2020 po may tinatry akong inumin na Vita plus melon at luyang dilaw medyo nag spot spot lang po ako...d ko po kc alam gagawin ko eii salamat po
Magbasa paMasaya ☺️ nag eexpect kasi kami.. Ilang taon din na ganun lagi madedelay tpos hindi naman pala buntis nakakadismaya lang. Kapag nag aaway kasali lagi sa sumbat yung "bigyan moko ng anak, gusto ko na maging tatay".. Parang hindi ka priority ng asawa mo/live in partner kapag wala kayong anak. Laging barkada.. Ilang taon ganun.. Ilang taon puro iyak.. Hiwalay, balikan.. Hanggang sa naawa na sakin si God binigay niya na ang matagal kong hinihinge.. Eto na nga kabuwanan ko na. Days nlng manganganak na ako. Ramdam na ramdam ko yung changes sa partner ko simula nung nabuntis ako. Para akong prinsesa. Super excited na siya. I'm sure he'll be a good father to our son 😍
Magbasa panormal lang pero kung 1week delay na, pt agad. nung una kabado kasi yaw ko pa magkababy since bago pa lang kami ng bf ko pero after a year namin ng bf ko excited kasi gusto na din talaga namin magkababy. now 10day old na si baby ♥️
Never akong nadelay sa buong buhay ko. Kaya nung hindi dumating yung period ko nung march, sigurado na ako na buntis na ako. Sobrang saya! Kasi 2 years namin hinintay to eeh. 😊 Now Im currently 17 weeks preggy with our first baby. 💖
Masaya na may kasamang kaba dahil iniisip ko agad, what if aatakihin na naman ako ng Clamsia tulad nung 1st Baby ko?😔 Sana hindi na un mauulit, Sana Normal na sa susunod🙏😇 Please GOD,Ikaw napo bahala samin🙏😇❤️
Dati na delay period ko, na disappoint lang ako kasi 4 years na wala pa kami baby kaya yung sumunod na na delay ulit medyo ayaw ko na umasa na preggy nga ako kaya nideadma ko lang. Kaya 10 weeks preggy na ko nung nag PT. Hehe
ako din pcos kaya normal na sakin ang wala regla.. pero nag KETO DIET ako.. nawala pcos ko and nabuntis ako agad from 75 kilos to 60kilos nawala sakin.. try mo mag keto diet kahit more gulay more meat or fish, wag lang sweets and rice,,,
😟😵😳😱😫😮🥺🥴😯🤢😲😭😧 Yan lahat. Last month lang. Haha! 2 weeks delayed, buti nag mens. Hehe! Kaya pa inject agad us vaccine para no more reactions like that! Hahaha!
Laging umaasa na buntis.hahaha nakakailang ulit pa ko dati na puro negative . Tas kung kelan nawawalan na ko ng pag asa bigla na lang buntis na pala ako. 20weeks preggy na ko ngayon. Feeling blessed sobra
Excited. 😅 mahigit 1 yr kaming TTC ni hubby. Kaya kada delay PT agad nakaka lungkot pag delay lang at hindi pala preggy. Kaya tuwang tuwa nung 2 days nadelay tapos preggy na talaga. ☺
Mother of a toddler and a baby